
Isa si soon-to-be-married Kapuso actress Carla Abellana sa mga bida sa episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.
Gaganap siya rito bilang si Precy, isang misis na hahayaang mangaliwa ang asawa kapalit ng pera.
Masaya ang pagsasama nina Precy at asawa niyang si Anthony, na gagampanan ni Rafael Rosell.
Sa kasamaang palad, magigipit ang mag-asawa sa pera.
Lalapit si Anthony sa kanyang boss na si Rochelle, role naman ni Katrina Halili. Kapalit ng pakikipag-relasyon ni Anthony sa kanya, mag-aabot ng perang panggastos ng pamilya si Rochelle.
Ikakagalit ito ni Precy noong una, pero lulunikin din niya ang kanyang pride nang mangailangan ng perang pampagamot ang tatay niyang nag-aagaw-buhay.
Iniimbita ni Carla ang mga manonood na tumutok sa kanilang episode.
"Mga Kapuso, iniimbitahan ko kayo manood ng kuwento ng isang misis na nagparaya at hinayaang magbenta ng katawan ang kanyagn mister. 'Husband for Sale,' ngayong Sabado 8:00 pm sa '#MPK,'" aniya.
Abangan ang episode na pinamagatang "Husband for Sale" ngayong Sabado, May 22, 8:00 p.m. sa #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: