What's on TV

Carla Abellana, ibinahagi ang simula ng love story nila ni Tom Rodriguez

By Maine Aquino
Published August 7, 2020 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tom Rodriguez and Carla Abellana


Kuwento ni Carla Abellana sa 'Just In,' hindi ito love at first sight.

Diretsuhang ikinuwento ni Carla Abellana ang kanilang love story ni Tom Rodriguez nang siya ay mag-guest sa Just In.

Ibinahagi ni Carla ang kanilang love story nitong August 5 sa Just In host na si Vaness Del Moral.

Kuwento ni Carla, una silang nagkatrabaho ni Tom sa My Husband's Lover pero wala pa umano silang nararamdaman noong mga panahong iyon para sa isa't isa.


"Doon kami unang nagkakilala ni Tom. Doon kami nagkatrabaho sa My Husband's Lover but it wasn't until maybe a year after noong sa My Destiny na naging mas close kami. Tapos nagkaroon pa kami ng movie together."

Nakailang proyekto muna umano ang dalawa bago sila na-in love sa isa't isa. Paglilinaw pa ni Carla, hindi love at first sight ang naging simula ng kanilang love story.

"Hindi siya 'yung parang love at first sight. Hindi 'yung in love kaagad. Imagine, it took maybe at least a year pa. After more projects together; 'yun nga sa My Destiny...tapos nagkaroon kaming movie together so doon kami mas naging close."

Sa ngayon ay 6 years nang magkarelasyon sina Carla at Tom. Huling nakita ang tambalang TomCar sa programang Love of My Life. Si Carla ay ginampanan ang karakter na Adelle at si Tom naman ay napanood bilang Stefano.

Just In: "Because Of You,' isa sa mga paboritong project ni Carla Abellana! | Episode 12

Just In: Carla Abellana, nag-audition dati sa "Zorro!" | Episode 12