A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on
Ayon sa post ni Carla, nagkaroon umano siya ng realization habang naghahanda para sa 'Tom and Carla's Celebrity Ukay-Ukay' sa Noel Bazaar.
Aniya, "Habang nagtatabi ako ng mga gamit na pwede kong i-donate at ibenta sa #TomAndCarlasCelebrityUkayUkay, iniisip ko talaga yung mga bata na pwedeng makinabang sa kikitain ng GMA Kapuso Foundation."
Dagdag ni Carla, nagulat siya na mas marami siyang maihahandog ngayon para nakatulong.
"Aba, nagulat na lang ako na kulang 'yung binili kong tatlong balikbayan boxes. Bumili pa kami ng apat. Kaya eto, nakapuno kami ng pitong balikbayan boxes. May dalawang maliit na black boxes pa. Ito na yata ang pinaka-marami kong nai-donate na personal kong mga gamit."
At matapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit, inanyayahan naman ni Carla na sumali ang kanyang mga kasamahan sa industriya na makilahok sa pamimigatan ng pag-donate.
"Mangungulit naman ako ng iba pang mga artista para makakakuha din ako ng mga donation mula sa kanila. To my fellow celebrities, regardless of network, sana po ma-encourage ko po kayo na makapag-donate din. Your donated personal belongings will go a loooooooong way. ????"