What's Hot

Carla Abellana: Is she the next Kapuso Comedy Queen?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 2, 2020 7:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Is Carla moving out of dramatic roles? Find out what your Kapuso network is in store for her next.
By AEDRIANNE ACAR


 
Time out muna sa drama!
 
Ito ang masayang ibinalita ng Kapuso actress na si Carla Abellana dahil sa unang pagkakataon sa career ng dalaga ay gagawa siya ng sitcom at makakapareha niya sa bago niyang project na Ismol Family si Dabarkads Ryan Agoncillo. 
 
Sa panayam ng GMANetwork.com sa My Husband’s Lover star ikinuwento nito ang karakter na  gagampanan niya bilang si Majay Ismol, “Ako yung nagpro-provide for them so yun yung maganda dun na, OFW ang nanay o yung asawang babae ang nasa abroad, yung natira dito yung asawang lalaki so house husband siya. Typical, although well usually naman kasi 'di ba sa isang pamilya yung tatay tumatayo talaga na breadwinner, 
 
“Ang maganda lang dito ipapakita natin sa kanila kung paano nga ba magiging house husband or houseband siya (Ryan Agoncillo), imbes na housewife yung nasa bahay kasama nung bata,” dagdag ni Carla. 
 
Makakasama rin nila Carla at Ryan sa cast ng Ismol Family sina Carmi Martin, Mikael Daez, Pekto at Starstruck alumnus Kevin Santos. 
 
Kapuso child star Marc Justine Alvarez will play Ryan and Carla’s son at kabilang sa sitcom ang mga Kapuso teen na sina Niño star Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
 
Ayon sa Kapuso actress maganda rin na may follow-up project ang kanyang hit movie na So It’s You na light and comedy pa rin ang theme. 
 
“Yes first time kong mag-sitcom so iba na naman ‘to at maganda na kahit papaano naipagpapatuloy ko yung comedy yung lightness in a way kasi mayroon akong kalalabas lang na movie na So It's You na rom-com siya so maganda na medyo may follow-up kaagad na same genre.” 
 
Abangan si Carla sa Ismol Family, malapit nang ipalabas dito sa GMA-7.