What's Hot

Carla Abellana lets go of doctor boyfriend?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 7:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Who did Carla Abellana let go? Clue: He is now a doctor and he is not Matthew (Tom Rodriguez). 
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Sa My Destiny, isinasakripisyo ni Grace (Carla Abellana) ang kanyang kaligayahan para kay Joy (Rhian Ramos) pagkatapos malaman na ang doktor na si Lucas na napupusuan ng kanyang kapatid ay ang boyfriend din pala niyang si Matthew (Tom Rodriguez).

Gusto mang sabihin ni Grace ang totoo ay ayaw rin niyang mas lumala pa ang sakit ni Joy kaya nagdesisyon siyang itago na muna ang katotohanan.
 


Malayo man daw ang sitwasyon ni Grace sa totoong Carla, inamin ng Kapuso actress na may malaking sacrifice na rin siyang ginawa para sa pag-ibig.
 
"I've had a relationship before, I was very young. I was still in high school, he was in med school. So para makapag-concentrate siya sa pag-aaral niya, para marating niya ang pagiging doctor niya, kinailangan niya akong pakawalan para 'yun lang ang focus niya. I guess 'yun 'yung so far pinakamalaking sacrifice na nagawa ko for love," kuwento ng aktres.
 
Was it worth letting him go?
 
"Worth it naman ang sacrifice. Ngayon, doctor na siya, yehey (claps)!"
 
May advice rin siya sa mga taong nagdadalawang-isip about letting a loved one go.
 
"I guess papakawalan mo para mas makapag-grow siya. Sige, hahayaan kita para makapag-grow ka, makapag-concentrate ka."
 
How far will Grace go to sacrifice her love for Matthew? Find out in My Destiny, weeknights after Niño on GMA Telebabad.