What's Hot

Carla Abellana, mas pinipili maging private sa kanyang lovelife

Published December 16, 2025 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana


Para kay Carla Abellana, mas wise at mas careful na siya ngayon tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Inamin ni Carla Abellana ang kanyang engagement sa kanyang non-showbiz fiancé kamakailan sa pamamagitan ng social media post.

Sa isang panayam, na umere sa "Chika Minute" ng 24 Oras nitong Lunes, December 15, ipinahayag ni Carla na marami na siyang natutuhan sa pag-ibig. Naging mas maingat at matalino na raw siya ngayon, lalo na pagkatapos ng announcement ng kanyang engagement.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Ayon kay Carla, mas pinipili niya ang isang private na love life kung kaya't nagiging maingat din siya sa mga pino-post sa social media.

“Sa dami na ng naging experiences ko, mga pinagdaanan ko; of course, more mindful, mas wise, mas careful, marami na natutuhan, and in a way, mas protective na of whatever I have left and whatever I currently have,” sabi ng aktres.

Related gallery: Celebrity couples na itinago ang relasyon

Ibinahagi rin niya na marami siyang inaasahan ngayong buwan at sa paparating na holidays.

“Marami namang special na magaganap this December! Unang-una, Pasko. Christmas is my favorite time of the year, it's something I look forward to as early as January, maniwala man kayo,” kuwento ni Carla.

“September 1 pa lang, may Christmas tree na ako sa bahaya, mga ganoong bagay po,” dagdag pa niya.

Isa rin sa ibinahagi niya ang excitement niya sa nalalapit na paglabas ng kanyang pinagbibidahang Metro Manila Film Festival 2025 entry na Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins.

Kasama niya sa pelikulang ito sina Kapuso artists Dustin Yu, Ashley Ortega, Ysabel Ortega, Manilyn Reynes, at Elijah Alejo.

Related Gallery: Carla Abellana receives outpouring of love from celebs after announcing engagement