GMA Logo Carla Abellana and Maricel Soriano
PHOTO SOURCE: @carlaangeline/ @officialmaricelsoriano
What's on TV

Carla Abellana, may kinakatakutan kay Maricel Soriano?

By Maine Aquino
Published July 8, 2024 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana and Maricel Soriano


Alamin ang sagot ni Carla Abellana kung bakit natatakot siyang makatrabaho ulit si Maricel Soriano.

Diretso sa pagsagot si Carla Abellana sa pagsagot kung bakit natatakot siya kay Maricel Soriano.

Inilahad ito ng Kapuso star sa kaniyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba?

Ang tanong ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel-Legaspi kay Carla, "Sino ang artistang natatakot kang makatrabaho?"

Pag-amin ni Carla ito ay ang kinikilalang Diamond Star ng Pilipinas na si Maricel Soriano. Ani Carla, "Nakatrabaho ko na po siya and natatakot po akong makatrabaho siya ulit not because of a bad thing ha, but si Ms. Maricel Soriano."

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Paliwanag ng Widows' War star, ito ay dahil sa sampal ni Maricel.

"Hindi naman po sa takot sa kaniya or ayaw ko siyang maka-work pero kasi alam kong masakit 'yung sampal niya...Kasi ang lakas niya manampal, masakit po talaga siya manampal, which I love. In fact, nagpaturo pa po ako sa kaniya paano manampal ng way niya."

Ayon pa kay Carla may sariling version si Maricel sa sampalan sa eksena.

"Hindi ko na ituturo 'yung technique niya, sinabi niya sa akin kung paano. I-keep ko na 'yung secret pero may version talaga siya ng pagsampal niya. Doon ako takot sa sampal niya sa eksena."

Panoorin ang pag-amin ni Carla rito: