
May simple at makahulugang mensahe si Kapuso actress Carla Abellana para sa kaniyang ina na si Rea Reyes na nagdiwang ng kaniyang kaarawan kahapon, Lunes.
Sa Instagram, ibinahagi ni Carla ang larawan nila ng inang si Aurea kasama ang kaniyang kapatid na si Erica Abellana-Espiritu. Kalakip nito ay ang mensahe ng aktres para sa ina.
Ayon kay Carla, ang kaniyang ina ang dahilan ng kaniyang matagumpay na career at patuloy siyang inaalagaan nito mula noong bata pa siya.
"What will I do without my Mom? I'd be nothing and nowhere now if not for her. She carried me when I was born and she still carries me in many other ways until today," saad ni Carla.
"Instead of more words to greet you on your birthday and telling you how much I love you, I will just show you, Mom. Happy Birthday! I love you," dagdag pa niya.
Kamakailan ay inanunsyo rin ni Carla na magiging bahagi siya ng live-action adaptation series na Voltes V: Legacy bilang si Mary Ann Armstrong, ang ina ng tatlo sa Voltes V members na sina Steve, Big Bert, at Little John na gagampanan naman nina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, at Raphael Landicho.
Samantala, tikom pa rin ang bibig ng aktres patungkol sa isyung pagkakalabuan nila ng kaniyang asawa na si Tom Rodriguez.
Samantala, tingnan ang magandang all-white photoshoot ni Carla sa gallery na ito.