
Handang-handa na si Carla Abellana na makipagsabayan sa red carpet para sa GMA Gala 2025 na punong-puno ng glam at elegance.
Sa Instagram, nagbahagi ang aktres ng photos at videos ng kaniyang bago at fresh look bilang preparasyon para sa nalalapit na gala.
Makikita sa mga larawan at video na nagpaayos ito ng buhok at bagong gupit din si Carla na talagang bumagay sa youthful looks ng aktres. Nagpaayos din ito ng kaniyang nails para sa kaniyang full makeover.
"Preps for the GMA Gala!" isinulat nito sa caption.
Samantala, masaya namang nagbabalik si Carla sa isang horror film na Shake, Rattle & Roll: Evil Origin.
"Not me getting more and more excited to work on a horror film again. And it's gonna be a good one!" sabi ng aktres.
Abangan ang red carpet look ni Carla ngayong Sabado, August 2 sa GMA Gala 2025!
Samantala, tingnan dito ang jaw-dropping looks ni Carla Abellana: