GMA Logo Carla Abellana
What's on TV

Carla Abellana, may posibilidad bang magmahal muli ngayong 2025?

By Kristian Eric Javier
Published January 16, 2025 8:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Handa na kayang magmahal muli si Carla Abellana ngayong taon?

Para kay Kapuso Primetime Goddess Carla Abellana, “very possible” naman na magmahal siyang muli ngayong 2025. Ngunit paglilinaw ng Widows' War actress, ipinagpapasa-Diyos na niya kung mahahanap ang taong mamahalin ngayong taon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 16, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang sitwasyon ng puso ni Carla at tinanong kung posible bang ma-in love siyang muli ngayong taon.

“I believe it's very possible, I mean, sabihin po natin, anything is possible. But like I said kanina po, magsu-surrender po ako kay God, magtitiwala po ako kay God this year, so let's see what he has in store for me,” paliwanag ng aktres.

Pagpapatuloy pa ni Carla ay ayaw naman niyang isara kaagad ang pinto sa posibilidad na 'yun, at inaming kailangan niyang maging mas bukas para sa bagong pagmamahal.

Sunod na tanong ni Boy, “Deretsang tanong, marami ang nanliligaw?”

Sagot ni Carla, “Hindi po, hindi po 'yun marami. Sabi ko nga, sana po marami.”

Inamin din ni Carla na merong mga nanligaw sa kaniya, ngunit ngayon ay wala umano siyang manliligaw, at wala rin namang nagpaparamdam.

Samantala, sinang-ayunan naman ng Widows' War actress ang sinabi ni Boy na “Sabi nga natin at the beginning of this conversation, ang dami nating hindi alam na mangyayari. But not knowing what's gonna happen makes it exciting.”

“Definitely. Actually, dapat hindi po tayo maging fearful. Just have faith, trust, okay lang po 'yun kasi minsan as nakaka-excite pa po 'yung ganu'n,” pagbabahagi ng aktres.

“No matter what, kung gumawa man kayo ng plans, hindi po necessarily 'yun ang masusunod. So makinig lang din po kay Lord para po tama 'yung guidance kasi siya pa rin po 'yung in charge,” dagdag pa ni Carla.

BALIKAN ANG PAGKUKWENTO NI CARLA TUNGKOL SA KANIYANG PAG-MOVE ON SA GALLERY NA ITO: