GMA Logo Carla Abellana
Celebrity Life

Carla Abellana, may update sa ipinapagawang bahay

By Maine Aquino
Published February 14, 2023 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CIDG to file raps vs. Robin Padilla, others over Bato dela Rosa escape
Luto-lutuan with the kwelang Tiktropa! (Full Episode) | Farm to Table
GMA Pinoy TV Champions Global Filipino Entrepreneurship at the 18th PHILSME Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Ngayong Valentine's Day, nagbigay ng update sa ipinapagawang bahay si Carla Abellana.

Ipinakita ni Carla Abellana ang update sa kanyang bagong bahay ngayong Araw ng mga Puso.

Napabalita noong 2022 na nakatuon ang atensyon ng Stolen Life actress sa pagpapatayo ng kanyang bahay. Saad ng aktres sa kanyang interview noong August 2022 sa GMA Thanksgiving Gala, " I am building my house, my dream house, what else, spending more time with my family medyo doon ako hindi lang preoccupied pero talagang doon ako busy [ngayon]."

Ngayong araw ng mga puso, ipinakita na ni Carla ang progress ng kanyang bahay.

Saad ng aktres sa kanyang caption, "I am okay."

Makikita sa photos ni Carla na malapit na mabuo ang kanyang dream house.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Ilang mga followers naman ni Carla ang nagpahayag ng kanilang paghanga.

Saad ng isang netizen, "There is no other way of celebrating independence than investing in your self, true love is something inside us. Good for you…"

Ang iba naman ay nag-congratulate kay Carla dahil sa bago niyang achievement na makapagpatayo ng bagong bahay.

Inilahad ni Carla sa kanyang nakaraang interview na umaasa siyang makalipat sa kanyang dream house ngayong 2023.

"Siyempre, we're hoping na by next year [2023], matapos na siya and mag-move in na ako. 'Yun lang 'yung very exciting but oh my gosh, grabe 'yung gastos!"

Abangan si Carla sa Stolen Life at Voltes V: Legacy ngayong 2023.

SAMANTALA, NARITO ANG ILAN PANG CELEBRITIES NA NAGPAPATAYO NG KANILANG MGA BAHAY:



Ayon naman sa comment ng isang follower ng Voltes V: Legacy star, "Keep strong and independent woman."