What's Hot

Carla Abellana, Mikael Daez share Christmas plans this year

By Dianara Alegre
Published December 23, 2020 12:57 PM PHT
Updated December 23, 2020 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abella at Mikael Daez


'Love of My Life 'stars Carla Abellana and Mikael Daez to postpone large in-person Christmas gatherings in observance of safety protocols against COVID-19.

Just in time for Christmas, nakatapos na sa kanilang lock-in taping ang cast ng Kapuso drama na Love of My Life na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Mikael Daez, Rhian Ramos, Tom, Rodriguez, at Coney Reyes.

Bukod dito, malapit na ring mapanood ang fresh episodes ng naturang serye.

carlaangeline (Instagram)

mikaeldaez (Instagram)

Nang makapanayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ibinahagi nina Carla at Mikael stars na challenging para sa kanila ang halos isang buwan nilang taping para sa serye.

Bukod kasi sa limited lang ang production crew at cast, nahirapan din umano silang mag-adjust sa setup na ilang linggo nilang hindi kapiling ang kanilang pamilya.

“Kasi there are some who had a hard time talaga being away from home for that amount of time. Para sa akin, there were challenges pero mas marami tayong positive takeaways na madadala to the future, 2021 and moving forward,” sabi ni Mikael.

Kahit na limitado lamang ang cast, mas pinatindi at ginawang kaabang-abang naman ang mga tagpo sa serye.

“Limited na lang kaming cast members na natira but in terms of the story, ang ganda pa rin nu'ng flow. Nagulat kami na ang dami pa palang pwedeng puntahan nu'ng kwento. Ang dami pang ibang anggulo na hindi pa namin napapakita,” ani Carla.

Kasama rin sa cast ng naturang serye sina Vaness del Moral, Maey Bautista, Samantha Lopez, Anna Marin, Dino Pastrano, Geleen Eugenio, Levi Ignacio, Ethan Hariot, at Raphael Landicho.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Samantala, ngayong holiday season postponed daw muna ang Christmas travels at gatherings na dating pinlano nin Carla at Mikael kasama ang kanilang pamilya bilang pasunod sa safety protocols laban sa COVID-19.

Magdadaos na lang muna ng kaunting salu-salo si Carla kasama ang kanyang pamilya.

“Normally kasi we celebrate Christmas nang kumpleto kaming magkakamag-anak. There's more than 30 of us. But because bawal mag-celebrate nang more than 10 persons ngayon, du'n kami sa house ng mom ko magse-celebrate and saktong 10 lang kami,” kuwento ng aktres.

Kasama ni Mikael sa Pasko ang asawa niyang si Megan Young at aniya, sa tingin niya ay mas magiging “intimate” ang selebrayon ng Pasko ngayong taon.

“Christmas this year would be very intimate. I'm sure marami sa ating mga Pilipino na may naka-schedule na na Zoom Christmas lunch and Christmas dinner. It's just with immediate family,” anang aktor.