
Ibinahagi ni Carla Abellano ang detalye ng kanyang mga pinagdaanan nang mapansin niya ang pagbabago sa kanyang pangangatawan.
Sinimulan ni Carla ang kanyang kuwento sa Just In, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang usual na preparation bago siya sumalang sa isang proyekto.
"At the start of Love of My Life, kasi bago naman ako magsimula ng teleserye, nagda-diet na ako tapos nage-exercise na ako para hindi last minute.
"Kumbaga may preparation talaga. Tapos napansin ko noong nagti-taping na for Love of My Life parang bumibigat na ako nang bumibigat."
Pagpapatuloy niya ng kuwento sa Just In host at kanyang co-actor sa programa na si Vaness Del Moral, "July tayo nag-start ng Love of My Life, August, September nag-gain ako ng 26 pounds in total sa loob ng four months na ikinataka ko.
"Kasi naka-diet food ako, nagwo-work out ako three times a week. Bakit nadadagdagan nang nadadagdagan 'yung timbang ko kesa mabawasan or ma-maintain? Hindi siya nagsa-stop."
"Then the more na ako ay nagpapatingin siyempre nagpapa-laboratory sila kung ano anong check up, tests, ang daming nalaman."
Nadiskubre umano ni Carla na marami siyang karamdaman.
"May problem pala ako sa liver, may asthma daw pala ako, so kumbaga the more ako nagpatingin, the more na may nahahanap kami. Ang hirap kasi nagsabay-sabay."
Isa pa sa kanyang naging problema ay nang magkasakit siya sa kanyang trip sa Japan.
"I was clear to travel na tapos may mga medication na ibinigay e hindi ko alam kung bakit pero pagdating sa Japan inatake ako. Hindi ako makatayo. Sobrang sakit ng tuhod ko and then lumaki 'yung tiyan ko and sumakit nang todo 'yung tiyan ko na ang tigas tigas.
"Nag-worry na ako I was in so much pain tapos nag-decide kami na 'yun nga magpatingin na. Nakadalawa ata or tatlo kaming hospitals sa Japan kasi unfortunately yung first two walang marunong mag-English.
Dagdag pa ni Carla, "Finally meron kaming friend, Japanese friend na tumulong sa amin. Sa wakas doon sa third hospital siya na 'yung nakipag-communicate."
Ang kanyang naramdamang sakit sa Japan ay sanhi umano ng mga medications niya.
"May problem nga daw sa tuhod, dahil 'yun sa isa medications na tinake ko noon. Napakahirap kasi halos 'di ko na-enjoy 'yung trip na 'yun."
Inamin rin ni Carla na sa kanyang sakit ang pinaka-frustration niya umano ay ang pagdagdag ng kanyang timbang.
"Pinaka-frustration ko 'yung weight gain talaga kasi kahit anong efforts naggi-gain nang naggi-gain imbes na mag-stop siya."
Ngayon ay marami na umanong nakapansin na nakabawas na ng timbang si Carla pagkatapos ng kanyang pinagdaanang pagsubok sa kanyang kalusugan.
"Hindi sa kung payat ako ngayon, it's just that ang laki ko lang talaga last year.
"Goal ko is hindi pumayat kung hindi bumalik doon man lang sa normal ko na appearance and weight. Masaya na ako kahit mag-lose ako ng one pound. Napaka-desperate."
Biro pa ni Carla ginawa na niya halos lahat maibalik lang ang dati niyang timbang.
"Lahat ng puwedeng gawin siguro liposuction na lang yata hindi. 'Yun na lang kulang e."
Nakatulong din ang pagsunod niya sa payo ng mga doktor.
"Sinunod ko lang naman kung ano 'yung advice nung doctors. Nag-take ako ng mga medication, may mga nagbago sa diet, nag-increase ng workout, lahat!
"Nag-fasting ako, nag-elimination diet. Thankfully gumana naman 'yung mga gamot parang in a way maintenance na medicine... Na-lose ko rin naman thank goodness 'yung 26 pounds."
Aminado si Carla na nakaapekto ang kanyang pinagdaanan sa kanyang trabaho bilang aktres.
"Affected talaga 'yung trabaho. Nakailang pack up ng taping kasi sandali parang mali na 'yung continuity kumpara sa naunang weeks na hindi pa ako kasing laki around December ang laki ko na!"
Dagdag pa niya, "Siyempre ako hiyang hiya ako ginagawa ko naman po lahat parang ganon."
May mga nagmi-message umano kay Carla na mayroon ring hypothyroidism kaya naman nag-iwan ang aktres ng payo para sa mga ito.
"Ang masasabi ko lang is sundin niyo lang advice ng doctor ninyo and careful din kasi baka may mga medication na allergic pala kayo tulad nung nangyari sa akin."
Carla Abellana closes business in Poblacion, Makati
Carla Abellana vlogs her experience as an at-home 'Chika Minute' anchor