GMA Logo carla abellana
What's on TV

Carla Abellana, nag-react sa obserbasyong separated ang 'Widows' War' lead actresses

By Kristian Eric Javier
Published June 26, 2024 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana


Natawa si Carla Abellana sa biro ng netizens tungkol sa kanila ni Bea Alonzo. Basahin dito:

Pinansin kamakailan ng netizens ang mga bida ng murder-mystery drama series na Widows' War na sina Carla Abellana at Bea Alonzo, at sinabing ang titulo ng serye ay may salitang “widow” ngunit ang mga bida ay separated.

Nang tanungin si Carla sa GMA Integrated News Interviews sa 24 Oras ni Nelson Canlas kung mapipikon siya dito, ang sagot ng aktres, “Hindi naman!”

“Actually, natatawa pa nga ako about it kasi, what are the odds? My gosh, kita mo nga naman, 'di ba? Hindi naman planado 'yun, hindi naman ginusto 'yun, nataon lang,” sabi niya.

Pagpapatuloy ni Carla, “Individually, kami ni Bea, napagdaanan namin kung ano man 'yung mga pinagdaanan namin sa personal lives namin, and then sakto pa title, with Widows' War and our corresponding roles, ganito pa.”

Ayon sa Kapuso Primetime Goddess, pakiramdam niya ay si God lang ang makakapagbigay ng ganu'ng klaseng “plot twist.”

“What are the odds na, 'Oo nga no? Pareho tayo, we have a lot in common,'” sabi niya.

Matatandaan na ikinasal si Carla kay Tom Rodriguez noong 2021, ngunit naghiwalay din noong 2022. Nag-file din ang aktor ng divorce noong nasa Amerika siya dahil siya ay U.S Citizen.

Samantala, kailan lang ay inanunsyo nina Bea at fiance niyang si Dominic Roque ang kanilang breakup matapos ang kanilang engagement.

BALIKAN ANG HIWALAYAN NA IKINAGULAT NG NETIZENS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, inamin rin ni Carla ang character niyang si Georgina sa Widows' War ang pinakamatindi niyang ginawa.

Paglalarawan ni Carla sa kaniyang character, “She's a strong character, talagang palaban siya, hindi nagpapaapi, ayaw niya ng kinakawawa siya.”

Pagpapatuloy niya, iba ang tapang, lakas ng loob, at malalim umano ang pinanggagalingan ng galit ni George “'pag ginalit mo siya.”

Panoorin ang buong interview ni Carla dito: