
Noong mawala ang ama ni Tom Rodriguez na si Mr. William Albert "Bill" Mott Sr., bukod sa pamilya ng aktor, naging katuwang din ni Tom ang kanyang girlfriend na si Carla Abellana.
Ika ni Tom sa press conference para sa kanilang upcoming show na I Heart Davao, "Buti na lang, I'm lucky I'm surrounded by people [I love], my family, they are here for me. Lagi kaming nagdadamayan sa isa't isa, mahirap but that's part of life. Ano na lang, ang magagawa ko is to try to dedicate everything I do [to my dad]. Although I did naman before, I dedicated to my family, my parents, because that's the best I could do for them."
Naikuwento pa ni Tom na isa si Carla sa mga una niyang tinawagan noong nalaman niyang wala na ang ama niya. Iyak nga raw ng iyak ang aktor. Pero siyempre, naging malakas ang aktres para matulungan si Tom.
Ika niya, "Siyempre for me naman [gusto kong] makitang masaya siya, na kinakaya niya every day. Importante 'yun talaga. Pag-partners kayo, tulungan kayo talaga."
Dagdag pa niya, "Ito 'yung moments na they are at their most emotional [state], when they're most vulnerable. Makikita mo talaga kung paano sila, 'yung family dynamics nila, how they cope. Mas nakilala ko sila nang husto. Mas nabilib ako sa kanila. Grabe po sila magtulungan."
Inalala rin nilang dalawa ang happy moments ni Mr. Bill Mott. Kuwento ng dalawa, "'Tsaka alam din kasi namin na nanonood si Tito (Bill Mott) rin, inabangan niya 'yun. Excited 'yan sa Mulawin VS Ravena, sa show namin, he's excited, so alam ko he's watching. Fan na fan siya ng Encantadia."
Labis naman ang pasasalamat ni Tom kay Carla. Ika niya, "In moments when I'm not [strong] I have people to lean on, I have my family, I have Carla there."
Ngayong Father's Day, meron din daw regalo si Tom sa ama niya. Ika niya, "I have a few personal projects I'm dedicating to him." Na kahit daw 'di ito makita ng iba, ang importante ay magiging proud ang ama niya sa kanya sa mga bagay na dini-dedicate niya para rito.
Paano naman niya i-de-describe ang ama niya? Aniya, "Dad was the best ever, who I am now [is because of him]. 'Yung kakornihan ko, kay daddy lahat."
Kung sino raw si Tom ngayon, 'yun ay dahil sa pagpapalaki sa kanya ng mahal niyang ama.