GMA Logo Stolen Life
What's on TV

Carla Abellana, nagpasalamat sa mga patuloy na sumusubaybay sa 'Stolen Life'

By Maine Aquino
Published January 5, 2024 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Stolen Life


Patuloy sa pagsubaybay ang mga manonood ng 'Stolen Life' ngayong 2024.

Tumitindi ang suporta ng mga manonood sa patuloy na gumagandang kuwento ng Stolen Life.

Ang Stolen Life na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Beauty Gonzalez, at Carla Abellana ay panalo pa rin sa ratings ngayong 2024.

Nagpasalamat si Carla sa patuloy nilang natatanggap na magandang feedback sa kanilang GMA Afternoon Prime serye.

Ani Carla sa kaniyang Instagram account, "Maraming maraming maraming salamat po, mga Kapuso! Thank you, Lord!"

Carla Abellana

PHOTO SOURCE: Instagram: @carlaangeline



Noong January 2 ay umani ng 10.2 percent rating ang Stolen Life ayon sa NUTAM People Ratings.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Samantala, umabot na ng 104 million views as of writing ang TikTok views ng mga eksena nina Lucy at Farrah. Ang karakter na Lucy at Farrah ay ginagampanan nina Carla at Beauty sa Stolen Life.

Ayon sa post ng GMA Drama, "104 MILLION VIEWS AND COUNTING NA SA TIKTOK! Talaga namang inaabangan ang #StolenLife at ang mga eksena nina Lucy at Farrah! 'Wag palampasin tuwing hapon, 3:20 PM sa GMA Afternoon Prime!"

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Patuloy na subaybayan ang kuwento ng Stolen Life. Tumutok sa Stolen Life, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits.

Samantala, balikan ang cast ng Stolen Life rito: