GMA Logo Carla Abellana
What's on TV

Carla Abellana, nagsalita na sa ilan sa naging dahilan ng hiwalayan nila ni Tom Rodriguez

By Jimboy Napoles
Published February 17, 2023 12:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco to heed ERC order halting disconnections for May to July bills
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Carla Abellana sa hiwalayan nila ni Tom Rodriguez: “Disrespect, all the lying, there was no change”

Naging bukas ang aktres na si Carla Abellana sa Fast Talk with Boy Abunda sa ilan sa naging dahilan ng hiwalayan nila ng dating mister at aktor na si Tom Rodriguez.

Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Peter Sanchez ibinahagi ni Carla sa panayam niya kay Boy Abunda na maraming dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang kasal ni Tom, ilan sa mga ito ay kawalan ng respeto, pagsisinungaling, at hindi pagbabago na umabot na umano sa sukdulan.

Ayon kay Carla, “Napakarami pong dahilan kung ililista natin, medyo marami po 'yan but basically, bottomline is kung baga umabot na po sa breaking point e, kung baga sobra na po.

“There was a, still, disrespect, all the lying, and all that, there was no change, hindi po 'yun first time na nangyari sa amin, kung ano man 'yung pinagdaaanan namin, pero ito po is taken to different level talagang mas extreme na po, mas malala.”

Dagdag pa niya, “You'll get to the point na parang, it's too much already po.”

Bukod dito, ibinahagi rin ni Carla na masaya siya na nag-file ng divorce decree si Tom sa Amerika dahil hindi na nila kinakailangan pang maghain ng nullity of marriage sa Pilipinas.

Aniya, “We are actually very happy that he decided na 'yun po ang ipa-file niya para hindi na po kami magpa-file ng petition for nullity dito sa Pilipinas.

“Masaya po kami doon actually kasi hindi na po namin kailangan ilabas 'yung mga sama ng loob or yung dirty laundry ng bawat isa. We don't have to go through that entire process ng annulment dito po sa atin.”

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng kampo ni Carla ang recognition of foreign judgment ng Philippine court sa divorce decree ng kanilang kasal na inihain ni Tom sa Amerika.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA CARLA ABELLANA AT TOM RODRIGUEZ SA GALLERY NA ITO: