
“It was a difficult journey to get to this point but yes definitely I'm confident na sabihin na, 'I'm happy, very happy.'”
Ito ang naging pahayag ni Widows' War star Carla Abellana nang kumustahin siya ni Boy Abunda matapos ang kaniyang mga pinagdaanan sa kaniyang personal na buhay sa nakalipas na taon.
Sa pambihirang pagkakataon, naging bukas na rin si Carla sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa kanila ng kaniyang ex-husband na si Tom Rodriguez.
Pahayag ni Carla tungkol kay Tom, “We are divorced, recognized na po yan ng local court po natin dito. We haven't spoken since, hindi pa po kami nagkikita o nag-uusap. Wala po akong updates or anything. We don't communicate.”
Bagamat handa raw si Carla sakaling muling magkrus ang mga landas nila ni Tom, magiging tikom daw ang kaniyang bibig para sa dating mister.
“Parang I won't say anything. Maybe siguro I'll nod I won't even say, 'Hi' back. Parang hindi naman po sa ayaw ko siyang kausapin or what as much as possible i-a-avoid ko po 'yung ganun. I'll acknowledge pero I much prefer na hindi na lang po mag-usap.”
Matapos ito, tinanong ni Boy si Carla, “Have you forgiven?”
“Definitely po. Yes,” sagot ni Carla.
“Have you forgotten?” muling tanong ni Boy.
Tugon ng aktres, “No. Medyo ano pa po e…it doesn't just leave your head, your heart, even the body e, naaalala pa rin po lalo na kasi it wasn't so long ago.”
Sa ngayon go with the flow lang si Carla sa takbo ng kaniyang buhay. Hindi naman daw niya isinasara ang kaniyang sarili sa mga bagay na magpapasaya sa kaniya.
“Are you open to entertaining people?” tanong ng batikang TV host sa aktres.
Sagot ni Carla, “At this point po it's one thing na hindi ko po masyadong iniisip especially with the amount of work that we have and the very little time that we have left for ourselves to rest, to recover, for personal matters. Hindi ko siya priority.”
Dagdag pa niya, “Sabi ko naman po sa sarili ko ayokong i-close po 'yung sarili ko. I don't want to be too bitter…ayoko din naman pong hanapin or habulin. 'Yung whatever comes na lang po along the way we'll see, where it will take me.”
Samantala, mapapanood naman si Carla Abellana sa bagong murder-mystery series na Widows' War na kanilang first project together ni Bea Alonzo.
Mapapanood ang Widows' War sa July 1, pagkatapos ng Black Rider.
RELATED GALLERY: Carla Abellana talks about moving on and finding her future partner