GMA Logo Carla Abellana death fake news
Source: carlaangeline (IG)
Celebrity Life

Carla Abellana, napa-'aray' nang makita ang kumakalat na fake news tungkol sa kanya

By Aedrianne Acar
Published February 20, 2024 10:52 AM PHT
Updated February 20, 2024 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana death fake news


Think, before you click, mga Kapuso! Bashin ang kuwento tungkol sa kumakalat na death hoax tungkol sa homegrown Kapuso actress na si Carla Abellana.

Idinaan na lang sa tawa ni Stolen Life actress Carla Abellana nang makita niya online ang fake news na pumanaw na raw siya.

Sa Instagram Story ng Primetime goddess, ni-repost nito ang death hoax na ni-repost ng isang netizen at dito makikita na namatay diumano siya noong May 29, 2023.

Nag-react si Carla sa caption at sinabing, “aray ko po.”

Hindi lamang ang Kapuso actress ang naging biktima ng death hoax. Kahit ang award-winning comedian na si Michael V. naging laman ng mga tsismis online na namatay na raw siya.

Itinama ni Direk Bitoy ang maling impormasyon na ito sa kaniyang post sa X (formerly Twitter) noong July 2020. Matatandaan na nagpapagaling noon ang Bubble Gang star matapos tamaan ng nakakahawang sakit na COVID-19.

Sa ibang balita, muling pumirma ng kontrata sa GMA Network last month si Carla Abellana.

Sa idinaos na contract signing niya noon sa GMA Network Center noong January 29, nangako ang versatile actress na mas lalo niyang pagbubutihin ang trabaho niya bilang isang solid Kapuso.

Saad niya, “Hindi ko po malilimutan ito and I will take good care of this, I will continue to grow and evolve, and do my best sa aking pagiging artista and Kapuso. Maraming maraming salamat po for this opportunity.”

RELATED CONTENT: CELEBRITIES REACT TO CARLA ABELLANA RENEWING HER CONTRACT WITH GMA