GMA Logo Carla Abellana
Celebrity Life

Carla Abellana ni-raid' ang bag ni Alex Gonzaga

By EJ Chua
Published February 27, 2024 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Ano kaya ang mga nakita ng 'Widows' War' star na si Carla Abellana sa bag ni Alex Gonzaga? Alamin DITO:

Mabilis na humahakot ngayon ng views ang bagong vlog ng Widows' War actress na si Carla Abellana.

Ito ay ang 'bag raid' vlog ni Carla kasama ang vlogger-actress na si Alex Gonzaga.

Sa naturang video, mapapanood ang kulitan moments ng dalawa at mayroon pang funny revelation ang huli tungkol sa ilang gamit sa loob ng kanyang bag.

Ilan sa mga laman ng bag ni Alex ay mobile phones, pouches, wet wipes, at mini camera.

Nakipagkuwentuhan din si Carla sa vlogger-actress at mapapansin na hindi niya napigilan ang pagtawa sa mga biro ng huli.

Sa kalagitnaan ng vlog, ibinida ni Alex ang isang lotion na tila muntik pang makapagpahamak sa kanya sa isang airport.


Sa comments section, mababasa ang napakaraming positive comments ng netizens tungkol sa vlog nina Carla at Alex.

Labis na naaliw ang netizens sa pagiging makulit at madaldal ng dalawa.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 131,000 views ang naturang vlog na mapapanood sa YouTube channel ni Carla.

Samantala, mapapanood ang Kapuso actress bilang lead star sa upcoming murder mystery drama series na Widows' War.

Makakasama niya sa serye si Bea Alonzo, at iba pang mahuhusay na aktor.