GMA Logo tomcar wedding banns
What's Hot

Carla Abellana nilinaw na requirement ang wedding banns sa mga ikakasal

By Racquel Quieta
Published May 13, 2021 10:57 AM PHT
Updated May 13, 2021 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

tomcar wedding banns


Mga detalye ng kasalang TomCar, isinapubliko na. Alamin dito kung kalian at saan ito magaganap.

Viral ngayon ang wedding banns ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana matapos itong i-post sa Facebook page ng San Guillermo Parish ng Talisay, Batangas.

Inanunsyo sa nasabing wedding banns na sa October 23 ng kasalukuyang taon magaganap ang kasalang TomCar sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

Maraming fans at netizens ang nag-share ng wedding banns ng TomCar sa social media.

Karamihan sa kanila ay na-excite sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng Kapuso couple.

Sa isang Instagram story, nilinaw ni Carla na requirement ang wedding banns para sa mga Katolikong ikakasal.

Ibinahagi rin niya ang depinisyon nito sa kanyang mga followers.

IG story

Karaniwan ay makikita ang mga wedding banns na nakapaskil sa loob ng mga simbahan.

Inaanunsyo nito ang petsa at lugar kung saan magaganap ang kasal, pati na ang ilang personal na detalye ng mga ikakasal, upang maiwasan ang mga void or invalid marriages.

Unang nagkatrabaho sina Tom at Carla sa Kapuso series na My Husband's Lover noong 2013 kung saan gumanap si Carla bilang asawa ng karakter ni Tom.

Naging malapit ang dalawa dahil sa madalas nilang pagtatambal on screen at noong 2014 ay naging magkasintahan na nga sina Tom at Carla sa tunay na buhay.

Nitong Marso lamang ay inanunsyo nina Tom at Carla na sila'y engaged na.

Naganap ang proposal noong October 2020.

Balikan kung paano nabuo ang pagmamahalang TomCar sa gallery na ito.