
Isa sa mga ipinagmamalaki ng GMA primetime series na Love Of My Life ang relatable nitong kwento na hango sa dysfunctional na pamilya.
Ayon sa bida ng serye na si Carla Abellana, ipinapakita nito ang realidad ng mga modernong pamilya sa kasalukuyang panahon.
Malapit ito sa puso ni Carla dahil nakaka-relate siya sa istorya ng Love Of My Life dahil maging siya ay galing sa isang broken family. Matatandaang nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ang kanyang mga magulang na sina Rey "PJ" Abellana at Aurea Reyes.
Pahayag ng 34-year-old actress, hindi naman daw dapat manatiling "broken" ang isang tao sa kabila ng pagkakaroon ng imperpektong pamilya, bagay na mapapanood sa Love Of My Life.
"Pwede namang mag-work pa rin 'yung relationships, 'yung pinaka-unit ng family talaga pero I guess it doesn't apply to everybody.
"Siguro hindi rin pwede ipilit kung talagang hindi nagkakasundo.
"At least na maganda na ngayon, 2021 na, may ganitong kwento, may ganitong teleserye tulad ng Love Of My Life, na nagpapakita na 'yung ganitong setup--'yung ganitong klaseng pagka-modern na family na hindi laging nagkakasundo but, at the end of the day, family pa din kayo.
"So mapipilitan ka, you really have to accept that this is your family now. It should work, there are or there is a way to make it work naman talaga.
"So family is family pa rin kahit na hindi kayo necessarily magkakadugo," paliwanag ni Carla sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso Brigade Zoomustahan kamakailan.
Happy daw si Carla sa feedback ng mga manonood sa Love Of My Life at sa ratings nito.
Aniya, wala naman daw secret formula ang Kapuso primetime series dahil sadyang ipinapakita nito ang tunay na nangyayari sa isang pamilya.
"The good thing about the story of Love Of My Life, you'll see the flaws of everyone, you'll see kung ano ang weaknesses nila, lalo na kapag nagka-clash 'yung mga characters.
"Hindi siya formula e, parang very unexpected s'ya, very realistic.
"A lot of people can relate kasi nagre-revolve 'yung story, basically. around this family na medyo may tendency maging chaotic, medyo hindi na typical type of family, modern family para nga silang pinagsasama sa iisang household.
"Relatable 'yung story, hindi siya 'yung mape-preredict kung saan pupunta.
"Kung formula ang pag-uusapan, kung tutuusin, parang wala," sambit ni Carla.
Ginagampanan ni Carla ang papel ni Adelle sa Love Of My Life.
Si Adelle ang asawa ni Stefano (Tom Rodriguez), namayapang anak ng Gonzalez matriarch na si Isabella (Coney Reyes).
Nagsimula ang gulo sa buhay ni Adelle nang patirahin siya ni Isabella sa kanyang mansyon kasama si Kelly (Rhian Ramos), ang ina ng love child ni Stefano.
Lalo pang gumulo ang sitwasyon ni Adelle nang magtapat ng pag-ibig ang kapatid ni Stefano, si Nikolai (Mikael Daez) sa kanya.
Ipinalalabas ang Love Of My Life Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.
Samantala, narito ang ilang larawan mula sa lock-in taping ng serye sa panahon ng COVID-19 pandemic.