Article Inside Page
Showbiz News
"It's the first time that we are working together. I'm glad that he's now a Kapuso. Ngayon makakatrabaho ko na siya, and considering na bagong dating siya, relatively bagong artista, ang galing. In fairness, magaling," shares Carla about her co-star.
First time makakatrabaho ni Carla Abellana ang bagong Kapuso na si Tom Rodriguez sa upcoming primetime drama na
My Husband's Lover. Inamin ng aktres na pinahanga sya ng acting skills ni Tom, who will be playing her husband Vincent. Marami-raming scenes na rin ang kanilang nakunan together, at nag-umpisa na nga raw sila sa pag-shoot para sa kanilang Week 2.
"It's the first time that we are working together. I'm glad that he's now a Kapuso. Ngayon makakatrabaho ko na siya, and considering na bagong dating siya, relatively bagong artista, ang galing. In fairness, magaling," shares Carla about her co-star.
Hindi rin itinanggi ng Kapuso actress na nakaramdam siya ng jitters during her first taping day, lalo na't isang groundbreaking TV series ang kanyang pinagbibidahan. "The first taping day is always parang nagda-dive ka. Parang ito na 'yun, ihuhubad mo na lahat ng kaba mo, and you just do it. Pero hindi maiiwasan tuwing first taping day na may jitters ng kaunti. Pero we're past that already."
Nakatulong din sa pagtanggal ng kanyang kaba ang kanilang workshops, kahit nauna pa daw silang magtrabaho kaysa gawin ito. "Mas nagtrabaho muna kami bago kami nakapag-workshop. Dinaanan muna namin ang aming story con, ang aming pictorial, bago kami nakapag-workshop. So by the time na nag-workshop na kami, magkakilala na kami. And it was more of comfort, and ma-break 'yung ice, 'yung workshop na ginawa namin. 'Yung comfort level, 'yung intimacy, more than the characters itself, 'yun 'yung tinackle namin," paliwanag ng aktres, who was last seen in the GMA Telebabad series
Makapiling Kang Muli.
When asked about what viewers can expect from their show, this is what Carla had to say. "Dito niyo makikita sa story na tao lang din sila [ang mga bading]. May karapatan din silang magmahal, at kung paano ba sila nagmamahal."
Sa totoong buhay kaya, posible bang ma-in love siya sa isang bading na hindi 'out'?
"I don't think so kasi nasa kanya din 'yun, di ba? kung paano ko siya mamahalin, or how will I learn to love him. Hindi din naman niya maibigay 'yung complete love niya because he is a homosexual," sagot niya.
Abangan si Carla Abellana as Lally sa
My Husband's Lover, premiering today, June 10, after
Mundo Mo'y Akin, on GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com