GMA Logo Carla Abellana on voltes v legacy
What's on TV

Carla Abellana on 'Voltes V: Legacy': 'Nakakakilabot'

By Jansen Ramos
Published March 22, 2023 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alice Guo to undergo 60-day orientation, assessment in women’s correctional —BuCor
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar
Number coding suspended on Dec. 8

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana on voltes v legacy


Nagkuwento si Carla Abellana tungkol sa kanyang experience sa 'Voltes V: Legacy' na base sa nakalakihan niyang anime.

More than two years nang nasa produksyon ang Voltes V: Legacy pero hanggang ngayon, flattered pa rin ang cast na mapabilang sa inaabangang live-action adaptation series ng classic '70s Japanese anime na Voltes V.

Tulad na lang ni Carla Abellana na kitang-kita ang excitement nang magkuwento kamakailan sa GMANetwork.com tungkol sa kanyang experience sa kinabibilangan programa.

Kung tutuusin, sandali lang mapapanood ang character niyang si Mary Ann Armstrong sa Voltes V: Legacy. Gayunpaman, iba raw ang pakiramdam na mapabilang sa binansagang most expensive ng GMA Network.

A post shared by Voltes V: Legacy (@voltesvlegacy)

Bahagi niya, "Nakakakilabot ang aking experience, talagang iba kada taping day although, of course, maikli lang 'yung aking role as Mary Ann Armstrong. Technically, guest role lang siya."

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

Inamin ni Carla na namangha siya sa set ng tinatayang first serious epic sci-fi TV show sa bansa na base sa kinalakihan niyang mecha anime.

"Bawat taping day, 'pag pumunta ako ng taping sa set man o sa location, nakakakilabot pa rin siya.

"It feels really good and nakaka-flatter kasi makikita mo sa paligid mo, makikita mo 'yung set, makikita mo 'yung cast members parang hindi siya ever nagsi-sink in na parang wow, parte ako ng Voltes V, na wow ako si Doctor Mary Ann Armstrong.

"Malaking opportunity dahil alam ko 'yun, aware ako doon kaya sinusulit ko 'yung ganoong kilig, 'yung gano'ng overwhelming feeling every taping day."

Mapapanood ang Voltes V: Legacy sa GMA Telebabad ngayong 2023.

Ito ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

Samantala, nakatakda ring mapanood si Carla sa upcoming GMA series na Stolen Life kasama sina Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion. - with interviews by Aaron Brennt Eusebio

BAGO IYAN, TINGNAN ANG ILAN SA MEMORABLE TV ROLES NI CARLA ABELLANA SA GALLERY NA ITO: