What's on TV

Carla Abellana, pinaghahandaan na ang 'lock-in taping' ng 'Love of My Life'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 19, 2020 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Time na ni Carla Abellana para mag-lock-in taping para sa seryeng 'Love of My Life.' Nauna nang nag-lock-in taping ang boyfriend ni Carla na si Tom Rodriguez para sa 'I Can See You: High Rise Lovers.'

Naghahanda na ang aktres na si Carla Abellana para sa nalalapit na lock-in taping ng primetime series na Love of My Life kung saan kasama sina Mikael Daez, Rhian Ramos, at Coney Reyes.

Kuwento ni Carla sa 24 Oras team, inihahanda na niya ang kanyang mga maletang dadalhin sa taping.

Aniya, “Kukulangin ata 'yung tatlo o apat na luggage. Sa box naman, 'yung mga kagamitan pa lang mismo, 'yung supplies pa lang, parang nakakaapat na ata ako na medyo malalaki.”

“Kasi nga lock-in kami, bawal lumabas, bawal din na pumunta rin ang kahit sino.”

Aminado naman si Carla na nanibago siya noong hindi sila magkita ng boyfriend na si Tom Rodriguez, noong nagkaroon ito ng lock-in taping para naman sa seryeng I Can See You: High Rise Lovers.

May special participation din si Tom noon sa Love of My Love, kung saan gumanap siya bilang asawa ng karakter ni Carla na si Stefan.

Carla Abellana Tom Rodriguez

From reel to real ang Kapuso actors na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Nagkasama ang dalawa sa 'Love of My Life' kung saan may espesyal na participation ang si Tom. / Source: carlaangeline (IG)

Thirty-five episodes pa lamang ang naipalabas ng Love of My Life nang magkaroon ng community quarantine pero pangako ni Carla, lalo pang gaganda ang kanilang istroya.

Saad niya, “Kami medyo binibitin ng writers ayaw pang i-reveal ang buong kuwento, kung anong mangyayari at kung ano ang ending, pero maraming changes.

“Mga Kapuso nating nabitin sila sa Love of My Life so itutuloy lang namin 'yun and promise namin gagawin namin 'yung best namin na maganda pa rin 'yung bawat episode.”

Mapapanood ang full catch-up episodes ng Love of My Life sa YouTube channel ng GMA Network bilang parte ng 'YouTube Super Stream.'