GMA Logo carla abellana
Photo source: @dennistrillo
What's on TV

Carla Abellana praises Dennis Trillo in 'Maria Clara at Ibarra'

By Abbygael Hilario
Published October 11, 2022 9:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana


Carla Abellana says Dennis Trillo fits the role of Crisostomo Ibarra in 'Maria Clara at Ibarra.'

Kapuso actor Dennis Trillo, nakatanggap ng papuri mula sa Kapuso star na si Carla Abellana.

Sa Instagram ibinahagi ni Dennis ang isang teaser video ng pinagbibidahan niyang serye, ang Maria Clara at Ibarra.

Sa unang linggo pa lang marami na ang humanga sa husay at galing ni Dennis sa kaniyang role bilang si 'Crisostomo Ibarra,' kabilang na ang dating 'To Have and To Hold' actress na si Carla.

“Dennis, congrats ha. Wala nang dapat pang gumanap bilang Crisostomo Ibarra kundi ikaw. ” aniya.

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Samantala, inilahad naman ng kaniyang mga fans at followers sa comments section ang kanilang suporta para kay Dennis at sa ibang cast ng naturang serye.

Bahagi ng komento ng isa, “Congratulations po well deserved. Ang ganda ng episodes every night. ”

Sambit naman ng isa pang netizen, “Kaya napapa-out ng 5pm para di makaligtaan bawat episode. Congrats po to the whole cast... ”

ALAMIN ANG IBA PANG NOTABLE ROLES NI DENNIS TRILLO SA GALLERY NA ITO: