GMA Logo Carla Abellana in Shake Rattle and Roll Evil Origins
Source: regalfilms50 (IG)
What's Hot

Carla Abellana, 'proud at amazed' sa 'Shake, Rattle & Roll: Evil Origins' trailer

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 10, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana in Shake Rattle and Roll Evil Origins


Hindi maitago ng Kapuso actress, Carla Abellana ang kanyang pagkamangha at pagiging “proud” sa inilabas na trailer ng Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins.

Inilabas na ang trailer ng Regal Entertainment film entry sa Metro Manila Film Festival 2025, ang Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins noong Biyernes, November 07, 2025.

Ang pelikulang ito ay 17th installment ng iconic horror anthology series matapos ang paglabas ng Shake, Rattle, and Roll Extreme noong 2023. Ngayon, nagbabalik ito sa mga sinehan bilang entry sa 51st MMFF ngayong taon.

Isa sa mga cast ng pelikula ay ang Kapuso actress na si Carla Abellana.

Sa isang video na inilabas ng Regal Films, masayang pinanood sa unang pagkakataon ni Carla Abellana, kasama ang Kapamilya actress at kasama niya sa pelikula na si Loisa Andalio, ang trailer ng kanilang pelikula.

A post shared by Regal Entertainment, Inc. (@regalfilms50)

Walang paglagyan ang pagkamangha ng dalawa sa bawat eksena sa trailer. Ilang beses na napasabi ng “Wow” si Carla.

“Nakaka-proud. Sobrang nakaka-proud! Ang ganda niya nang na-edit na nang malinis, with color grading and effects na. Ang ganda”, ayon kay Carla.

'Di rin maitago ng kanyang co-star na si Loisa ang excitement sa kanilang pelikula. “Sana bukas paggising ko December 25 na!”, sabi ni Loisa matapos mapanood ang trailer.

“Sana mapanood namin bago mapanood ng lahat. Ibang-iba talaga! Mas makulay, pero of course, nand'yan pa rin yung horror," sabi ni Carla. Dagdag pa niya, iba ang action at vibe, pati na rin ang atake ng bawat episode ng latest installment na ito ng Shake, Rattle, and Roll.


SRR Evil Origins Official Poster

Source: regalfilms50 (IG)


Ang Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins ay nahahati sa tatlong episodes na set in different timelines; 1775 (Past), 2025 (Present), at 2050 (Future). Ito rin ay pinagbibidahan ng ilan sa mga Kapuso actors na sina Manilyn Reynes, Ysabel Ortega, at Dustin Yu. Kasama rin nila sina Janice de Belen, Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Francine Diaz, Seth Fedelin, Kaila Estrada, at marami pang iba. Ito ay sa direksyon nina Shugo Praico, Joey de Guzman, and Ian Loreños.

Mapapanood ito sa mga sinehan ngayong darating na Pasko, sa pagdiriwang ng 51st Metro Manila Film Festival ngayong December 25, 2025.