GMA Logo carla abellana and her brother karl patrick reyes
Celebrity Life

Carla Abellana proud of brother who graduated from college

By Jansen Ramos
Published October 30, 2022 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana and her brother karl patrick reyes


Todo asikaso si Carla Abellana sa kanyang nakababatang kapatid na si Karl Patrick Reyes sa araw ng pagtatapos nito.

Isang proud ate si Carla Abellana sa kanyang nakababatang kapatid na si Karl Patrick Reyes matapos itong makapagtapos ng kolehiyo.

Sa Instagram post niya noong Sabado, October 29, ipinost ni Carla ang ilang larawan nila kung saan makikita ang pag-aasikaso niya sa kanyang kapatid. Inayos ng aktres ang academic gown ni Karl bago sila pumasok sa PICC Plenary Hall sa Pasay City kung saan ginanap ang graduation rites.

Present din sa seremonya ang ina nilang si Rea Reyes na dating commercial model-actress.

Ika ni Carla, siya ang "bodyguard" ng kanyang kapatid sa araw ng kanyang pagtatapos.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Mayroon ding nakatatandang kapatid si Carla na si Erica Abellana-Espiritu. Ang aktor na si Rey "PJ" Abellana ang kanilang ama na dating asawa ng kanilang ina.

Samantala, may iba pa silang mga kapatid sa side ng kanyang ama.

KILALANIN ANG IBA PANG KAPATID NG ILANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: