GMA Logo Carla Abellana and Katie
Source: carlaangeline (IG)
What's Hot

Carla Abellana, pumayag na may humiga sa couture gown niya sa GMA Gala 2025

By Aedrianne Acar
Published August 4, 2025 4:06 PM PHT
Updated August 4, 2025 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay sa bugbog ng ex-bf ng kaniyang kinakasama
Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana and Katie


Pinusuan ng netizens ang sweet moment ni Carla Abellana at ng anak ni Katrina Halili sa GMA Gala 2025.

Maraming netizens at fans ang sobrang humanga sa Kapuso Primetime Goddess na si Carla Abellana sa sweet moment nila ng anak ni Katrina Halili na si Katie sa GMA Gala 2025 nitong Sabado, August 2.

Humanga ang mga tao nang pumayag si Carla na higaan ang kanyang yellow couture gown na likha ng fashion designer na si Mak Tumang.

Ipinost ni Carla sa kanyang Instagram Story ang cute encounter nilang ito ni Katie.

Source: carlaangeline (IG)

Tuwang-tuwa naman si Mommy Katrina at sinabi sa Facebook post niya na “So pretty bebe carla. We love You!”

Pinusuan lalo ang photo nina Carla at Katie sa Facebook. Sabi pa ng netizens na napakabait ni Carla sa pakikitungo nito sa daughter ni Katrina.

Napapanood si Katrina sa GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Samantala, naghahanda naman si Carla Abellana para sa shooting ng Metro Manila Film Fest entry na Shake, Rattle & Roll Evil Origins.

RELATED CONTENT: The dazzling awardees of GMA Gala 2025