
Isang nakakatuwang video ang ipinakita ni Carla Abellana sa kanyang Instagram account at ayon sa aktres ito ay isang paghahanda sa kanyang bagong role.
PHOTO SOURCE: @carlaangeline
Saad ni Carla sa kanyang post, "Listen, Gen Z 📣 Practicing lang for a new role! ✌🏻"
Ngayong January 2023 ay inilahad na kabilang si Carla sa isang kakaibang drama na handog ng GMA Afternoon Prime.
Ang Stolen Life ay ang kuwento tungkol sa babaeng "mananakawan" ng buhay dahil sa astral projection.
Gagampanan ni Carla ang role na Lucy, at makakasama niya rin dito sina Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion na gaganap naman bilang Farrah at Darius.
Bukod sa Stolen Life ay inaabangan rin si Carla sa kanyang pagganap bilang Mary Ann Armstrong sa Voltes V: Legacy.
SAMANTALA, BALIKAN ANG STUNNING SELFIES NI CARLA ABELLANA: