
Tila hindi pa rin makapaniwala si Carla Abellana na makatuluyan niya ang kanyang first love na si Dr. Reginald Santos.
Sa kanyang panayam kasama si Jessica Soho, masayang ikinuwento ni Carla ang kanyang buhay ngayon bilang misis.
"It's been two weeks. Lagi po nilang sinasabi parang honeymoon stage," ani ng aktres.
"So ganoon lang po medyo nasa parang on a high pa rin po 'yung feeling kasi bagong kasal nga po. Happiness [at] excitement, nandoon pa rin po 'yung adrenaline."
Hanggang ngayon, natutuwa si Carla sa ideyang ang kanyang unang boyfriend ang nakatuluyan niya makalipas ang mahigit 20 taon.
"First love ko po siya. First boyfriend ko po. I was in first year high school, siya po in fourth year high school. So higher batch po siya, we went to the same high school," kwento niya.
"Maganda po doon ang aming relationship back then nagtagal more or less two years. Tapos hindi naging bad 'yung break up kasi nag med school po siya. He chose his studies po. So syempre ako I was very young, high school, nasaktan po ako doon but syempre naintindihan ko po 'yun. Wala pong bad blood, maayos po kaming naghiwalay back then. "
Matapos ang kanilang hiwalayan, hindi na sila nag-usap o naging magkaibigan. Hanggang sa muling nagparamdam si Dr. Reginald noong holiday season at naging madalas ang kanilang komunikasyon online.
"Para pong walang nagbago. 'Yung feeling po is parang we're back in high school. Hindi po siya nagbago, ganoon po rin 'yung itsura, magsalita, pati 'yung karakter niya same pa din po. So parang po kaming hindi matagal hindi nagkita, parang kahapon lang," pahayag ni Carla.
Ngayong kasal na, hindi pa rin makapaniwala ang mag-asawa sa naging plot twist ng kanilang love story.
"May times na even after the wedding, nakatulala na lang po kami. Tapos, sasabihin namin, 'Akalain mo yung tayo pa rin pala?' 'Yung who would have known?' May ganun pa rin po moments na 'Paano nangyari kaya yun?'" masayang ibinahagi niya.
"Everything just fell into place. 'Yung nga po eh talagang after over 20 plus years, kami pa rin po pala 'yung meant for each other at nagkatuluyan po...It's a type of love story na hindi po ipinipilit. Parang si God lang po 'yung nakapag-orchestrate nu'n. Nakapag-plano po ng lahat. 'Yung timing, tama. Siya lang po talaga 'yung makakabuo ng ganu'ng kuwento.”
Ikinasal sina Carla at Dr. Reginald noong December 27 sa isang intimate wedding sa Tagaytay.
Nauna rito, sinorpresa ni Carla ang netizens nang ibahagi niya ang larawan ng kanyang engagement ring habang hawak ang kamay ng kanyang mystery man. Kinumpirma rin niya ang kanyang engagement sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
Silipin ang heartfluttering wedding nina Carla Abellana at Dr. Reginald Santos, dito:
Samantala, mapapanood ang kabuuang interview ni Ms. Jessica Soho kay Carla Abellana sa video sa ibaba: