
Natunghayan na ang finale ng hit murder mystery drama na Widows' War.
Ang karakter ni Carla Abellana na si George Balay-Palacios ang isa sa talaga namang sinubaybayan ng mga manonood at fans ng serye.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Carla, inamin niyang nahirapan siya sa pagganap bilang si George.
Pahayag ng A-list Kapuso actress, “George, ang hirap mong gampanan but it was an honor playing the role of George Balay-Palacios.”
Related gallery: Who's the toughest widow among these women?
Ayon din kay Carla, tila ang kaniyang karakter ang nakaranas ng pinakamaraming beses na nawalan ng mahal sa buhay.
“Napakasakit, napakahirap ng mga pinagdaanan ni George. Ito 'yung loss of her father, loss ng kaniyang baby, loss of her husband, and pangalawang baby,” pagpapatuloy niya.
Dagdag ni Carla, “Napakasakit at kung magpaparamihan tayo ng mga namatayan ng kamag-anak, si George ang pinakamarami.”
Sa hiwalay na panayam, binanggit ng aktres na napakalaki ng pagkakaiba nila ng ugali ng kaniyang karakter sa naturang serye.
Napanood si Carla sa Widows' War bilang nabiyudang asawa ni Basil Palacios (Benjamin Alves) at best friend ni Sam Castillo-Palacios (Bea Alonzo).
RELATED GALLERY: MGA EKSENA SA BUROL NI BASIL PALACIOS