GMA Logo Carla Abellana, Bea Alonzo, Widows War
What's on TV

Carla Abellana sa mga eksena sa 'Widows' War': 'Mapapakapit po kayo'

By EJ Chua
Published June 24, 2024 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana, Bea Alonzo, Widows War


May pahapyaw si Carla Abellana tungkol sa intense scenes sa 2024 murder mystery drama series na 'Widows' War.'

Marami na ang nakaabang sa pagsisimula ng 2024 murder mystery drama series na Widows' War.

Bukod sa viewers at netizens, excited na rin ang A-list Kapuso actress na si Carla Abellana na isa sa lead stars nito.

Sa katatapos lang na media conference para sa programa, nagbigay ng ilang detalye si Carla tungkol sa kanyang bagong proyekto.

Ayon kay Carla, sunod-sunod na intense scenes ang matutunghayan dito.

Pahayag niya, “Lagi pong may intense na eksena. Hindi po kayo mabo-bore, sa totoo lang po.”

Paliwanag ng aktres, hindi pangkaraniwan ang mga eksena sa Widows' War.

“Hindi naman din po ito 'yung tipo ng kuwento na wala na silang ginawa kung hindi magsampalan o mag-away but you will always be at the edge of your seat. Mapapakapit po kayo,” sabi niya.

Pahabol pa ng aktres, “Pahihingahin po namin kayo and then mamaya ayan na naman po medyo intense na naman ang mga eksena.”

Samantala, ito ang pinakaunang seryeng pagbibidahan nang magkasama ng bigating Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Related gallery: 'Widows' War,' may pasilip sa set