
Isang explosive Sunday night ang hatid ng inyong favorite late night habit na The Boobay and Tekla Show!
Sa darating na Linggo (October 23), mapapanood ang beautiful at talented Kapuso actress na si Carla Abellana para sa isang exclusive interview.
Sasabak ang aktres sa revealing Q&A segment na “How Well Do You Know Carla Abellana?”
Paano nga ba hinaharap ng aktres ang masasakit na pinagdadaanan? Bakit sobrang mahalaga ang freedom para sa kanya? Alamin ang kanyang mga sagot ngayong Linggo!
Makikisaya rin ang aktres kasama sina Boobay, Tekla, at Mema Squad sa nakakatawang “Birit Showdown,” kung saan bibirit sila sa isang awitin ni Roselle Nava.
Masusubok naman ang improvisational skills ni Carla sa comedy sa isang improv acting challenge.
Huwag palampasin ang kaabang-abang na all-new episode na ito ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 23) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, SILIPIN ANG JAW-DROPPING LOOKS NI CARLA ABELLANA SA GALLERY NA ITO.