
Sinagot ni Kapuso actress Carla Abellana ang komento ng isang netizen tungkol sa pagiging nepo baby din niya. Ito ay matapos i-call out ng aktres ang nepo babies na konektado sa pulitika.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 26, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang komento ng isang netizen na nepo baby din si Carla matapos mag-call out ng aktres, at hiningan siya ng reaksyon dito.
“'Yung mga ganun naman, Tito Boy, tinatawanan ko na lang po 'yun because we all know for a fact that yes, technically speaking, parang nepo baby because I come from a family of the same industry, show business,” sabi ni Carla.
Ngunit paglilinaw ng aktres, iba ang tinutukoy niyang nepo baby sa kanyang sinabi dahil may kinalaman ito sa pulitika.
“Pero 'yung nepo baby naman po na napapanahon ngayon, 'yung pinag-uusapan po natin, ibang nepo baby naman po 'yan. Ito'y involving politics and corruption,” sabi ni Carla.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA HINDI MALILIMUTANG KARAKTER NA GINAMPANAN NI CARLA SA GALLERY NA ITO:
Tinukoy din ni Boy kung ano ang pinagkaiba ng pagiging nepo baby ni Carla, at ang tinutukoy nito sa post.
“Ang nepo babies, ito nga ho halimbawa sa Hollywood, ito 'yung mga bata na anak ng celebrities, ng superstars who are perceived to have it easy because deeply entrenched ang kanilang mga parents, ang kanilang mga relatives in the business,” pagbabahagi ni Boy.
“But in the context of corruption ngayon, dito sa Pilipinas, 'yung mga nepo babies ay ito 'yung mga lavish ang lifestyle, dekadente ang lifestyle, na ang gamit-gamit, sa ating pananaw bilang bayan, ay ang pera ng bayan,” pagpapatuloy ng batikang host.
Hindi naman itinatanggi ni Carla ang pagiging showbiz nepo baby niya ngunit nilinaw din ng aktres na lahat ng meron siya ngayon ay pinaghirapan niya at kinita niya sa pagtatrabaho.
“Whatever I have now, pinaghirapan ko po 'yun, wala pong inabot sa akin, binigay, or wala po akong minana or anything. Everything, I worked hard for,” sabi ni Carla.
Panoorin ang panayam kay Carla dito: