GMA Logo Carla Abellana
Source: carlaangeline/IG
What's on TV

Carla Abellana, sino ang kasamang mystery guy sa photos?

By Kristian Eric Javier
Published September 26, 2025 10:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Bagong pag-ibig na kaya ang mystery guy sa ilang litrato ni Carla Abellana?

Inamin ni Carla Abellana na naghilom na ang mga sugat ng kaniyang puso matapos makipaghiwalay sa dating asawa at kapwa actor na si Tom Rodriguez. Sa katunayan, tila handa na muling umibig ang Call-out Queen matapos ilabas ang ilang litrato ng isang mystery guy sa kaniyang Instagram account.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 25, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang puso ni Carla, at tinanong kung pinaghilom na ba ng panahon ang kaniyang puso.

Sagot ng aktres, “Yes! I wouldn't say naman po na it's just time that healed me, madami pong effort, madaming trabaho, tinrabaho, para mag-heal.”

Inamin din niyang nakapagpatawad na siya, ngunit sinabing hindi pa niya kayang maging kaibigan ang dating asawa sa ngayon.

Pinansin naman ni Boy ang mystery guy sa ilang mga Instagram posts ni Carla, at deretsahan siyang tinanong, “Is he your boyfriend? Are you in love?”

At para sundan ang tanong sa “Fast Talk” segment ng program, tinanong din ng batikang host kung AFAM ba ang mystery guy ni Carla.

“No, hindi po siya AFAM, napaka-random lang po talaga nu'ng 'Fast Talk' na 'yun, hindi po siya AFAM,” sabi ni Carla.

At para sagutin pa ang ibang tanong ni Boy, saad ng aktres, “It was a date, yes. I've been actually seeing him. Kita n'yo naman, nakakadalawang post na po ako, 'di ba? Parang may pagka-soft launch po. Pero matagal ko na po 'yan siyang kilala.”

Binalikan din ni Carla ang sinabi niya noon na bukas siya sa pakikipag-date, at sinabing ini-enjoy lang niya ito ngayon.

Tinanong din ni Boy kung nagbago na ba ang opinyon ni Carla tungkol sa sinabi rin niya na hindi na siya magpapakasal ulit. Sagot ng aktres, “Ayoko na pong maging close 'yung aking pag-iisip na ganu'n. Of course, I want to be open to enjoying myself and falling in love or being in a relationship.”

BALIKAN ANG PAGKUMPIRMA NI CARLA NA SIYA AY DATING NA MULI SA GALLERY NA ITO: