What's Hot

Carla Abellana: "Wala na akong hihilingin pa."

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 9:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Sino-sino ba ang mga surprise guests ni Carla nung kanyang celebration at ano ang pinaka magandang regalong natanggap niya sa kanyang special day?
Sa kanyang 24th birthday, Carla Abellana held her very first Grand Fans Day sa SM Manila to finally meet her loyal fans and supporters. Sino-sino ba ang mga surprise guests niya at ano ang pinaka magandang regalong natanggap niya sa kanyang special day? Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio starsLast June 13, a day after her birthday, ginanap ang very first Grand Fans Day ni Carla Abellana at tuwang tuwa ang aktres sa suporta na ibingay sa kanya ng kanyang mga kaibigan at fans sa araw na ito. "Nakakatuwa never kong inexpect na magkakaron ako ng fans day. Gift sa akin ng iGMA.tv . I’m overwhelmed. I'm very very thankful. Sobrang sweet talaga," ang pahayag ni Carla during the event. Kinuwento pa niya na wala naman talaga siyang engrandeng celebration para sa kanyang 24 birthday kaya natuwa siya sa ginawa ng iGMA.tv. "Nagcelebrate lang ako ng birthday with my family and close friends. Bahay lang kami last night. Wala akong kahit anong regalo sa sarili ko. Eto na 'yung pinakamaganda kong gift na natanggap talaga this year." Kaya naman nagpapasalamat siya ng sobra sa suporta ng mga dumalo sa kanyang fans day at sa lahat ng mga fans na sinusubaybayan ang kanyang career. "Sobrang tuwa ko na dumadami ang fans tapos maya't maya ang dami kong nakukuhang greetings from them. Ang dami kong nakukuhang comments. Mga words of wisdom and support na ine-extend nila sa akin. Hindi lang nila alam pero nababasa ko lahat ng sinusulat nila about me and nakakatuwa talaga," she says. stars"Wala na akong hihilingin pa.ang dami ngang nagsasabi at nagtatanong kung ano pa ang gusto ko. Wala na akong gusto, wala na akong kailangan. Ito na, ma-meet ko lang finally yung fans ko yun na yung the best gift na natanggap ko talaga." Pero teka, ano ba ang gift sa kanya ni Geoff Eigenmann noong birthday niya? "Ang gift sa akin ni Geoff? Nag-surprise siya sa akin noong taping ng Basahang Ginto. Sakto pagsalubong ng birthday ko at 12 midnight meron quartet na tumugtog ng ilang awitin para sa akin sa taping. So nakakatuwa tapos may kasama pang bouquet of flowers. Ganun tinutugtugan nila ako," ang nakangiting sabi ni Carla. Isa din si Geoff Eigenmann sa mga dumalo sa Grand Fans Day ni Carla kasama nila Kris Lawrence at Gian Magdangal who both offered a few song numbers for Carla and her fans. At bago pa man magtapos ang interview at umakyat si Carla on stage, nagpasalamat na siya sa lahat ng mga dumalo sa kanyang very first Grand Fans Day. "Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng fans ko sa lahat ng Carlanatics, Carlaholics at Carersters. Gusto ko pong magpasalamat talaga from the bottom of my heart for all the support and love that you have sent me. Sa pagpanood ninyo ng mga shows ko sa pag-abang ninyo sa lahat ng guestings ko. Hindi ko man kayo nakakausap o nakikita pero alam ko nandyan lang kayo para sa akin. Maraming maraming salamat po talaga. I look forward to meeting all of you." Mapapanood si Carla Abellana at Geoff Eigenmann sa Mars Ravelos' Basahang Ginto sa GMA Dramarama sa hapon. Pag-usapan si Carla sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Carla Just text CARLA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) CARLA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.