What's Hot

Carla at Geoff, may selosan pa ba?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 6, 2020 8:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Nagkakaselosan pa nga ba ang real-life sweethearts na sina Carla at Geoff in their relationship ngayon?
Nagkakaselosan pa nga ba ang real-life sweethearts na sina Carla at Geoff in their relationship ngayon? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch S. Mauricio. stars Hindi na naninibago sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann na magkasama sila sa Magic Palayok . Kahit kasi ito ang kanilang unang project bilang magkasintahan ay hindi ito ang unang beses na nagkatrabaho ang dalawa. “Okay naman. On the set, magkaasama na kami on the first taping day ko,” kuwento ni Carla. ”Iba lang kasi ngayon, like what you said before, kasi before, bagong kilala lang kami sa isa’t-isa, ngayon iba na. so iba lang in a way siguro kasi iba din yung energy sa set. Iba yung istorya, iba yung cast, so I guess this time around, mas nage-enjoy na kami.” May adjustments pa ba silang kinailangang gawin para sa isa’t-isa? “Wala na. Ganun pa din,” says Carla. Samantala, ngayong very open na sila sa kanilang relationship, inamin naman ni Carla na bago pa man maging sila ay matagal na niyang alam na may pagtingin sa kanya si Geoff. “Hindi naman niya kailangang aminin yun, napansin naman ata ng lahat yun!” paglalahad ni Carla. “As early as Rosalinda days pa lang naman, nag-express na siya ng feelings. Si Geoff, he’s very open naman, hindi yan nagtatago ng anumang naiisip niya o nararamdaman niya. But it wasn’t after a year na nanligaw talaga siya formally, at sinagot ko naman siya eventually, na matagal na proseso naman bago naging official.” At this stage of their relationship, nagkakaroon pa ba sila ng selosan? “Parang lalo ngang nawalan ng selosan e, kasi hindi na kailangan. Parang ganun. There’s no room for jealousy in our relationship kasi if you’re jealous of somebody else, ibig sabihin, hindi mo tinu-trust yung partner mo, or insecure ka lang, so walang ganun. We find that very petty, kumbaga.” Sa tingin niyo ba ay nagseselos pa si Geoff hanggang ngayon? You can ask him as he joins Carla ngayong araw sa iGMA Live Chat! Today, March 10, 2011 from 2 P.M. to 4 P.M. ay live na makikipag-bonding at makikipag-usap sa inyo sina Geoff and Carla. Make sure to log on to www.igma.tv/livechat to find out more and to be part of this exclusive event! Pag-usapan sina Geoff at Carla sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get the latest updates on Geoff and Carla. Just text GEOFF/CARLA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) GEOFF/CARLA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.