What's Hot

Carla inaming memorable ang kissing scene with Dennis Trillo

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 23, 2020 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Police car accident injures 15 devotees during church visit in Ligao, Albay
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News



Very vocal si Carla Abellana na naging memorable ang experience niya with Dennis Trillo sa Hongkong.
Very vocal si Carla Abellana na naging memorable ang experience niya with Dennis Trillo sa Hongkong while shooting Love Bug. Bakit kaya? Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio starsSa isang cruise ship kinunan ang first offering ng LoveBug, ang The Last Romance. Starring Carla Abellana and Dennis Trillo, talaga namang sobrang romantic hindi lang ng story kung hindi pati ang lugar kung saan kinunan ang mga eksena ng dalawa. Few of the scenes were shot in the streets of Hongkong at syempre pa sa Disneyland na ikinatuwa rin nila Carla at Dennis. Pero nilinaw ni Carla na hindi lang sila nagenjoy ng sobra sa mga pinuntahan nila, seryoso din naman silang nagtrabaho. "Nandun kami para magtrabaho, hindi basta-basta mag-enjoy," ang kuwento ni Carla. Idinagdag pa niya na dahil limited ang staff, they have to manage without their assistants. "We did everything...hair and makeup, kami ang nagbitbit ng mga gamit namin. So, parang cowboy style talaga siya." Bukod pa dito naging memorable ang project na ito kay Carla dahil naging challenge ito para sa kanila ni Dennis. stars"Kasi sanay ako dito sa Pilipinas nagtatrabaho, doon iba, e. Sabi nga ni Dennis, wala kang aasahan kundi ang sarili mo. So, iyon ang hamon sa amin, na mapaganda namin yung story and yung show na kami-kami lang talaga. Na makakabuo kami ng something nice away from the country. Tapos 'yon, 'yon talaga ang hamon, wala ka sa comfort zone mo, kami-kami lang, wala masyadong Pilipino doon. So 'yon, 'yon ang hamon talaga. At nagawa naman naming mapaganda ang show." Memorable din ba para sa kanya ang kissing scene nila Dennis? "Ay siyempre, memorable naman yun!" Ang natatawang sagot sa amin ni Carla "Siyempre, Dennis Trillo, di ba? Oo , memorable naman yun. First time namin, may iyakan, ganyan, love story." Sabi pa niya, "Memorable siya kasi napakalamig nung ginagawa namin 'yung eksenang 'yon, very cold in the evening, nasa ship kami, di ba? Tapos 'yung suot ko, naka-dress ako, formal na manipis lang, kaya ginaw na ginaw kami. 'Tsaka very late na'yun, that was past midnight already. So memorable naman, at maganda yung eksena." Kaya naman dapat nating abangan itong scene na ito sa The Last Romance. Mapapanood ito tuwing Linggo sa LoveBug pagkatapos ng Party Pilipinas. Pag-usapan ang kissing scene nila Carla at Dennis sa mas pinagandang iGMA.tv Forum ! Not yet a member? Register here! Get in touch with Carla and Dennis. Just text CARLA or DENNIS (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.