
Patuloy na sinusubaybayan ngayon ng maraming Kapuso viewers ang GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves, at Mark Herras.
Sa ikatlong linggo ng nasabing serye ay ipinakilala na rin ang iba pang karakter gaya ni Sarah Borromeo na ginagampanan ng batikang aktres na si Carla Martinez. Si Sarah ay ang ina nina Noah at Elijah na ginagampanan naman nina Benjamin at Mark.
Sa isang panayam ng GMANetwork.com kay Carla, nagpasalamat siya sa GMA dahil pinili siyang maging bahagi ng nasabing serye.
Aniya, "I would like to thank GMA for giving me a chance to work with a major role for such a long time sa teleserye because many times it's just a guesting because I'm busy doing [projects] in another network."
Ayon pa sa batikang aktres, aminado raw siyang na-impress at talagang napabilib siya sa mga artistang nakatrabaho niya sa serye.
"This time it was really a privilege for me to be able to work, especially with the actors here dito sa Artikulo 247. I never had a chance to work with them [before] and I was impressed," ani Carla.
Sa katunayan, talagang napabilib daw si Carla sa dedikasyon sa trabaho ng kanyang co-stars at hindi siya nahirapan sa kanilang mga eksena kahit pa karamihan sa kanila ay first time niya makatrabaho.
Kuwento niya, "I think I would say that these actors are very giving kasi for you to be a good actor, you have to be very selfless, generous, and you always work for your partner. And I think with all of this time that I had in Artikulo 247, wala po akong nasabing nahirapan ako sa mga co-actors ko and even with the production, everybody really works so hard to make this a success so maraming-maraming salamat."
Ayon pa kay Carla, marami pang dapat abangan sa kanyang karakter na tiyak na makaka-relate ang mga kagaya niyang ina.
Napapanood din sa nasabing series ang ilan pa sa mahuhusay na aktor at aktres na sina Glydel Mercado, Mike Tan, Maureen Larrazabal, Denise Barbacena, Brent Valdez, Rain Matienzo na unang nakilala sa TikTok at Topper Fabregas na isang mahusay na theater actor.
Subaybayan ang mas umiinit na mga tagpo sa Artikulo 247, Lunes hanggang Biyernes 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, silipin ang behind-the-scene photos sa naging taping ng Artikulo 247 sa gallery na ito.