GMA Logo Family Feud
What's on TV

Carlene Aguilar, Clarice Patrimonio, Andy Smith, at iba pang pickleball players at athletes, ipakikita ang husay sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published May 14, 2026 12:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - SP Alan Peter Cayetano presscon (May 14, 2026) | GMA News
COMELEC registers 77 voters in Romblon jail
Pinagmamalaking kuhol dish ng Catanduanes, masarap kaya? | Pinas Sarap

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang mga maglalaro na Celebrity Pickleball Players at Professional Pickleball Athletes sa 'Family Feud.'

Tampok sa Thursday episode ng Family Feud ang patok na sport na pickleball!

Ngayong May 14, maghaharap ang dalawang grupong parehong may matinding passion sa Pickleball para magpagalingan sa Family Feud stage.

Bukod sa friendly match ngayong Huwebes, ibabahagi rin ng mga guests ang mga benepisyo ng pickleball pagdating sa health, fitness, at iba pa.

Binubuo ang Celebrity Pickleball Players nina Dawn Chang, Carlene Aguilar, Marc Solis, at Eric Fructuoso. Sila ang mga celebrities na hindi lang naging teammates kundi naging close friends din dahil sa kanilang shared love sa pickleball.

Makakatapat nila ang Professional Pickleball Athletes na pinangungunahan ni Clarice Patrimonio, isa sa top-ranked singles players sa Asia at dating SEA Games tennis medalist na may ilang gold medals na rin sa Philippine Pickleball League. Kasama rin niya si Andy Smith, na agad nakakuha ng international bronze medal sa Malaysia sa kanyang debut tournament. Kilala rin siya bilang asawa ng aktres na si Diana Zubiri.

Kumukumpleto sa powerhouse lineup sina Christy Sañosa, na kamakailan lang ay nag-uwi ng multiple medals sa WPC Asia Pickleball Open sa Bangkok, at si Coach Kim Saraza, isang dating veteran tennis player na ngayo'y professional pickleball coach na.

Makisaya at makihula sa fresh episode ng Family Feud ngayong May 14, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, The Master Cutter, at Never Say Die.