What's Hot

Carlene, confident sa pagiging sexy

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 4, 2020 10:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together
BI: Viral female passenger offloaded for inconsistent statements about trip
Police deny supposed search at Rep. Duterte’s house

Article Inside Page


Showbiz News



Ikinuwento ng sexy mommy na si Carlene Aguilar ang kanyang experience para sa pictorial ng isang men’s magazine.
Si Carlene Aguilar ang kauna-unahang cover girl ng FHM Philippines ngayong 2009. Marami ang nagulat dahil sa bold move na ito ng beauty queen-turned-actress at sa isang exclusive iGMA interview, ikinuwento ng sexy mommy na ito ang kanyang preparasyon para sa sexy pictorial ng men’s magazine. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio. stars
Isang confident na Carlene Aguilar ang nakausap ng iGMA sa pictorial ng upcoming primetime show na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Sa interview, ikinuwento ng sexy celebrity na medyo hesitant siyang maging January cover girl ng FHM. Pero dahil naging patient ang nasabing magazine, napapayag din nila si Carlene na gawin ang pictorial. "Kasi sobrang cooperative sila. Ako 'yung pumili at ako 'yung nag-decide kung ano 'yung concept. May baby na ko so I have to take care of my reputation," ang sabi ni Carlene sa amin. Even her mom supported her decision. "Siya nga 'yung may gusto na gawin ko ito. Parang ang point niya, 'kailan mo pa gagawin, eh may anak ka na, ano sa second anak mo, sa third anak mo?’"ang kwento ni Carlene. And indeed, maganda ang kinalabasan ng kanyang pictorial at maraming good reviews ang natanggap niya about her sexy photos. Idinagdag pa niya na she really prepared for this pictorial, although hindi umabot ng isang buwan ang kanyang preparation. "Parang ilang weeks lang ako nag-prepare, tapos sabi ko ‘sige shoot na ko’ kasi feel ko noon na ito na 'yung time kaysa patagalin ko pang matagal. Di namang sobrang fit na fit na perfect pero, komportable lang ako sa katawan ko ngayon kasi siyempre, you have to love your imperfections para feeling mo sexy ka," ang pahayag ng sexy mommy na ito. At sa huli ay nagbigay siya ng message para sa lahat ng mommies out there: "Enjoy ninyo 'yung katawan niyo at pangalagaan ninyo 'yun kasi 'yun 'yung magbo-boost ng self-confidence ninyo, 'yung self-esteem ninyo -- para na din sa sarili ninyo and sa anak at sa asawa ninyo." Abangan si Carlene Aguilar sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, soon on GMA's primetime telebabad block.