
Ngayong March 11 na ipapalabas ang upcoming movie nina Carlo Aquino at Bela Padilla na A Special Memory. Tungkol ito sa isang babae na may early-onset alzheimer's at kung papaano nila mapagtatagumpayan ang kondisyon na ito ng kanilang pagmamahal.
Dahil tumatalakay ito sa pagkalimot, ibinahagi ni Carlo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes kung ano ang tatlong alaala na panghahawakan niya kung sakaling dumating ang pagkakataon na makalimot siya.
Ang unang memorya ng aktor, noong lumipat sila sa sarili nilang bahay. Kwento ni Carlo, noong bata pa lang siya ay nangungupahan lang sila ng kaniyang daddy sa isang apartment. Dahil sa pagtutulungan nila mag-ama, nakapagpatayo sila ng sariling bahay.
“Nu'ng lumipat kami sa bahay namin na pinagawa namin, tapos paglipat namin, hindi pa tapos 'yung walls, wala pang palitada, hollow blocks lang talaga, so feeling ko nu'n, 'I made it' kasi sa amin na, hindi na kami nagre-renta. So proud ako for my family,” sabi ni Carlo.
Panghahawakan din niya ang kasal nila ni Charlie Dizon lalo na at ibang chapter umano iyon ng kaniyang buhay.
“Mahal na mahal ko kasi si Charlie. Kahit sobrang short lang 'yung dating namin, nag-decide ako na 'This is my friend and this is my life partner,” sabi ni Carlo.
Pagbabahagi ng aktor, seven or eight months pa lang silang magkakilala ng aktres nang magdesisyon siyang ito ang gusto niyang maging life partner.
“Kaya ko siyang maging kaibigan, kaya ko siyang maging kaaway, kaya ko siyang mahalin, lahat, kaya ko kasama siya,” sabi ni Carlo.
BALIKAN ANG MEMORABLE WEDDING NINA CARLO AT CHARLIE SA GALLERY NA ITO:
Ang huling alalala na panghahawakan umano ni Carlo, noong ipanganak ang anak niya kay Trina Candaza na si Enola Mithi noong taong 2020.
Panoorin ang panayam kay Carlo Aquino dito: