
Malaki ang pasasalamat ni Carlo Aquino sa asawang si Charlie Dizon dahil sa pagiging malapit nito sa anak niyang si Enola Mithi. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes (March 9), ipinahayag ng aktor kung gaano niya na-a-appreciate ang effort ng asawa maging malapit sa anak.
“Na-appreciate ko si April (Charlie) kasi nagri-reach out siya talaga, nilalaro niya, binibigyan niya ng time si Mithi,” sabi ni Carlo.
Pagbabahagi pa ng aktor, mahal na mahal din ni Mithi si Charlie, “Kapag may video call, siya 'yung unang hahanapin, 'Where's Tita April?' 'Really, anak? Not Daddy first?'”
Ibinahagi rin ni Carlo kung papaano siya bilang ama kay Mithi. Inilarawan niya ang sarili bilang isang ama na “very silly” pagdating sa kaniyang anak.
“Kasi gusto ko siyang maging kumportable sa mga tao. Gusto kong hindi siya aloof kasi hindi ko alam kung papaano sa mom niya so kapag nasa akin, makulit ako, sinasabi ko lahat ng gusto ko para ganu'n din siya sa akin,” sabi ng aktor.
Ipinahayag din ng aktor kung gaano kaimportante ang pagiging open sa kaniyang anak, lalo na habang lumalaki ito.
“Lalo na kapag babae kasi, para kapag nagka-boyfriend, magka-crush, gusto ko alam ko lahat. Gusto ko, I'm a cool dad pero ano pa rin ako, strict,” sabi ng aktor.
Si Mithi ay anak ni Carlo sa dating nobya na si Trina Candaza. Sa isang Instagram Q&A, inilarawan niya ang co-parenting set-up nila ng aktor bilang 'good' at 'civil.'
Samantala, June 2024 naman nang ikasal sina Carlo at Charlie sa isang indoor garden wedding na ginanap sa Silang, Cavite.
Panoorin ang panayam kay Carlo Aquino dito: