
Hindi maitatanggi na isa sa mga hinahangaang aktor ngayon at ang dating child star na si Carlo Aquino. Ngunit sa mahigit dalawang dekada niya sa industriya, inamin ng aktor na minsan na rin niyang naisipang lisanin ang show business.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 9, sinabi ni Carlo na unang sumagi sa isip niya ang pag-alis ng showbiz noong mid-2000s. Pagbabahagi ng aktor, marami pa rin naman siyang ginagawa noong mga panahon na iyon, ngunit karamihan at indie films.
“Tapos there came a time na parang 'Bakit parang wala akong ginagawa pero sinasabi nila ang talented ko, ang galing-galing ko?'” sabi ni Carlo.
Sa katunayan, naisip pa umano niyang pumunta sa Amerika at magtrabaho sa mga fast food chain doon.
“Parang 'Mag-Amerika na lang kaya ako? Magpa-adopt ako sa uncle ko na nasa Amerika? Kaya ko naman mag-manual labor, kaya ko mag-fast food,'” pag-alala ni Carlo.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA INIWAN ANG BUHAY ARTISTA PARA MANIRAHAN ABROAD SA GALLERY NA ITO:
May pagkakataon din, sabi ni Carlo, ginawa niyang side hustle ang pagpi-print at pag-i-install ng tarpaulins habang gumagawa ng indie films.
“Naglalagay ako ng mga tarpaulin ng mga salon sa mga building. Kasama ko 'yung cousin ko, siya 'yung nagwe-welding,” sabi ni Carlo.
Kuwento niya, nanghihiram pa siya ng mga gamit sa kaniyang pinsan ssa San Juan bago kunin ang tarpaulin sa bahay nila bago pumunta sa iba't ibang lugar, katulad ng Cavite at San Andres sa Quezon para mag-install ng tarpaulins.
“Maglalagay kami ng mga signages para lang makapag-provide,” sabi ng aktor.
Ngunit kahit hirap, hindi tumuloy si Carlo sa planong pagpunta sa Amerika dahil bukod sa mahal niya ang trabaho bilang isang artista, mahal din niya ang craft ng pag-arte.
“Kasi in a way, nandidito ka para makapag bigay ng inspirasyon, 'yung makapagparamdam sa mga tao,” sabi ni Carlo.
Panoorin ang panayam kay Carlo rito: