GMA Logo Carlo Aquino
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Carlo Aquino, muntik nang tanggihan ang pelikulang 'A Special Memory'

By Kristian Eric Javier
Published March 10, 2026 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

G22’s first concert: Here are the ticket details for 'The Eve of an Alpha' in July
My master class with Secretary Alran Bengzon
The Philippines was the shooting location for these international productions

Article Inside Page


Showbiz News

Carlo Aquino


Alamin kung bakit muntik nang palampasin ni Carlo Aquino ang upcoming movie nila ni Bela Padilla na 'A Special Memory.'

Ngayong March 11 na ipapalabas ang upcoming film na A Special Memory na pagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla. Pero pag-amin ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 9, muntik na niya ito tanggihan.

“Kasi ang hirap, Tito Boy. Ang hirap nu'ng mga pagdadaanan ng mga characters. 'Yung character ni Bela (Padilla), may early onset Alzheimer's so unti-unting nawawala 'yung memories nila together,” paggbabahagi ni Carlo.

Paliwanag pa ni Carlo, napakabigat ng pelikulang ito, lalo na at katatapos lang niya gumawa noon ng Philippine adaptation ng It's Okay Not to be Okay.

Pagbabahagi pa ni Carlo, naging personal din ang kuwento ng kanilang upcoming movie dahil sa kanyang “Abelina” o auntie.

Kuwento ng aktor, “Baguio kasi taga-Nueva Ecija siya. Ang auntie ko, pumupunta siya ng Baguio, sinusundo siya ni Daddy, tapos binabantayan niya ako.”

Ani Carlo, may mga eksena siya noon sa naturang pelikula na tinuturuan pa siya ng kanyang Abelina dahil mahilig itong umarte at kumanta, gaya ng kanyang daddy.

“Du'n ko nakuha 'yung talent ko,” sabi ni Carlo.

TINGNAN KUNG ANO NA ANG NAGBAGO KAY CARLO MATAPOS IKASAL SA ASAWANG SI CHARLIE DIZON SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ito na ang ikalawang beses na nakatrabaho ni Carlo ang co-star niyang si Bela. Ang unang proyekto nilang magkasama, ang pelikulang Meet Me in St. Gallen walong taon nang nakakaraan.

Ngayon na nagkatrabaho ulit sila, ang masasabi ni Carlo kay Bela, “Ganu'n pa rin, e. Same passion sa trabaho niya, sinasabi niya kung ano'ng gusto niya, very vocal pa din, and ýung pagmamahal niya du'n sa craft, hindi nagbago talaga.”