
Isa si Carlo Muñoz sa mga Pinoy na sinubok ng hirap sa pagma-migrate sa ibang bansa.
Sa Just In episode nitong September 30, nagbigay ang dating aktor ng payo sa mga nais subukin ang buhay sa ibang bansa
Ayon kay Carlo, "You have to be really sure that that's what you want. Kung hindi buo yung loob mo, once you get here, once you face the challenges, it's very big. If hindi buo yung loob mo, you'll probably quit and go back."
Isa pang nilinaw ni Carlo ay kailangan lamang na maging masipag para malagpasan ang mga pagsubok sa pagsisimula ng buhay sa ibang bansa.
"Once you go pass that peak ng pain, 'yung hardships mo, everything becomes easy. Kasi every immigrant story that I've heard na naging successful there's that point of that immigration process na mahirap ang buhay. Then all of a sudden it got better. And when it got better, naging free flowing nalang. Life became easy, easier."
Isa pang binigyang pansin ni Carlo ay ang paniniwala umano ng iba na kapag naninirahan sa ibang bansa ay ibig sabihin mas malaki ang pera.
"I think during older times or noong times na 'yun, people think sa Philippines just because you're working in the states or nasa states ka, malaki pera mo. No it's not."
Dugtong pa ni Carlo, ang ibang tao ay kailangang tumanggap ng iba't ibang trabaho para lamang maka-survive.
"Ang taas rin ng cost of living. So a lot of people that I know work just to survive. Work to pay the bills, that's it, no extra. You have to find another job para may extra, something like that."
Panoorin ang iba pang mga napag-usapan nina Carlo at ng Just In host na si Paolo Contis.
Just In: Carlo Muñoz, nagkarooon ng international career? | Episode 5
Just In: Carlo Muñoz, walang pinagsisihan sa pag-alis sa showbiz | Episode 5