GMA Logo the boobay and tekla show
PHOTO COURTESY: carlo.sanjuan, mr.abedgreen, mclaude16 (IG)
What's on TV

Carlo San Juan, Abed Green, Mclaude Guadaña, maghahatid ng kilig sa 'The Boobay and Tekla Show!'

By Dianne Mariano
Published February 12, 2023 8:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bicameral Conference Committee (Dec. 13) | GMA Integrated News
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

the boobay and tekla show


Huwag palampasin sina hunk actors Carlo San Juan, Abed Green, at Mclaude Guadaña sa Valentine's episode ng 'The Boobay and Tekla Show' sa darating na Linggo.

Ngayong Linggo, maagang ipagdiriwang ng The Boobay and Tekla Show ang Valentine's Day.

Abangan sa darating na episode ang pagbabalik ng nakatutuwang dating game na “Pusuan Na 'Yan.”

Sa nasabing laro, gagamitin ng tatlong lucky hunks ang kanilang charms para sa pagkakataon na makipag-date sa mystery stunner na si “Miss Masarap Magmahal,” na isang sikat na online creator.

Ang tatlong handsome hunks na nais manalo ang atensyon ni Miss Masarap Magmahal ay sina Daddy's Gurl actor Carlo San Juan, Filipino-American basketeer Abed Green, at collegiate cager-turned-actor Mclaude Guadaña.

PHOTO COURTESY: carlo.sanjuan, mr.abedgreen, mclaude16 (IG)

Siguradong magiging masaya ang Valentine's episode ng TBATS dahil makakasama nina Boobay at Tekla ang Mema Squad na sina Buboy Villar, Pepita Curtis, Ian Red, at All-Out Sundays Queendom's Jennie Gabriel.

Huwag palampasin ang kabaang-abang na all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, TINGNAN ANG KAPUSO HUNKS AT ANG KANILANG CHISELED ABS SA GALLERY NA ITO: