
Napaamin si Carlo San Juan na grabe siya magbigay pagdating sa pag-ibig.
Sa kaniyang pag-guest bilang Kiligspector sa Love Under Cover sa TiktoClock, inamin ni Carlo kung paano siya ma-in love.
Saad ni Carlo, "Ibinibigay ko lahat."
PHOTO SOURCE: @carlo.sanjuan
Nagbanggit din ng halimbawa si Carlo ng kaniyang ginawa para sa babaeng napupusuan. Ani Carlo, "Minsan may ginawa ako. Baha noon, tapos para hindi lang siya mabasa, pinasan ko siya. Kahit ako na ang mabasa, huwag lang siya."
Si Carlo ay ang recent celebrity na sumalang sa Love Under Cover.
Balikan ang pagpili ng Kapuso hunk na si Carlo ng makaka-date mula sa mga sumaling Cover Girls dito:
Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Carlo, sali na sa Love Under Cover sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuuang detalye.
Patuloy na subaybayan ang TiktoClock para sa kilig, happy time, at bigayan ng blessings, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA.