What's on TV

Carlo San Juan, gaganap sa sariling talambuhay sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published September 16, 2022 10:08 AM PHT
Updated September 16, 2022 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Carlo San Juan


Si Mr. Pogi 2019 Carlo San Juan mismo ang gaganap sa kanyang talamabuhay sa bagong episode ng '#MPK.'

Ibinahagi ni Kapuso actor at Mr. Pogi 2019 Carlo San Juan ang kanyang talambuhay sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Lalo itong naging espesyal dahil siya mismo ang gaganap bilang kanyang sarili.


Bago nanging artista, isang working student si Carlo. Nakapasok siya sa kolehiyo dahil sa isang athletic scholarship. Para naman matustusan ang iba pang gastusin sa pag-aaral, nagtrabaho siya bilang isang tricycle driver.

Papasukin niya ang mundo ng beauty pageants kahit na tutol dito ang kanyang ama. Kalaunan naman ay mananalo siya bilang Mr. Pogi 2019 sa programang Eat Bulaga at magtutuloy-tuloy na ang kanyang showbiz career.

Pero bago nakamit ni Carlo ang tagumpay, ano pa kayang ibang pinagdaanan niya?

Alamin 'yan sa brand new episode na pinamagatang "Ang Driver na Mr. Pogi," September 17, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: